^

True Confessions

Alupihan (200)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi makasagot si Cris sa sinabi ni Hani. Parang umurong ang kanyang dila.

“Ako nga ang Reyna ng mga Alupihan, Kuya,’’ sabi pa ni Hani. Seryo­song-seryoso at walang kakurap-kurap habang nakatingin kay Cris.

“T-totoo H-hani? I-kaw ang R-reyna ng mga A-alupihan?’’

Tumango si Hani.

Parang nahihipnotismo naman si Cris na hindi maaalis ang pagkakatitig kay Hani.

Ano itong nangyayari sa kanya? Bakit parang may puwersa na lumulukob sa kanya habang nakatitig kay Hani?

Hanggang maya-maya ay biglang humagikgik si Hani. Hagikgik na para bang sa isang nakaloko o nakalansi.

“B-bakit ka humaha­gikhik Hani?’’

Pero patuloy pa rin sa paghagikgik si Hani. Sinapo pa ng mga kamay ang tiyan dahil sa hindi mapigilang paghagikgik.

At napansin pa ni Cris na halos maluha-luha na sa paghagikgik si Hani.

‘‘A-anong dahilan at humahagikgik ka Hani?’’

Saka lamang nagsalita si Hani.

‘‘Humahagikgik ako dahil nadenggoy kita Kuya. Ang sarap mo palang biruin, ha-ha-ha!’’

‘‘Anong ibig mong sabihin, Hani ?’’

“Binibiro lang kita Kuya.’’

‘‘Ibig mong sabihin, hindi­ ka Reyna ng mga Alupihan?’’

‘‘Bakit naman ako magiging Reyna ng mga Alupihan? Ikaw talaga, Kuya!’’

“E kasi’y mula nang tumira ka rito e ang daming nagsusulputang alupihan tapos nang ianalisa ko ang name mo at apelyido e lumabas ang word na ALUPIHAN.’’

Humagalpak uli ng tawa si Hani. Halos maluha-luha na naman.

‘‘Nagkataon lang ‘yun Kuya,’’ sabi nito matapos pahirin ang luha dahil sa pagtawa.

‘‘Kinabahan tuloy ako Hani.’’

“E kung totoo ‘yun, Kuya, matatakot ka sa akin?’’

“Hindi!’’

“Talaga Kuya?’’

“Oo naman. Ba’t naman ako matatakot sa’yo? Yang sexy mong ‘yan matatakot ako.’’

Napangiti si Hani. Masarap pakinggan ang sinabi ni Cris.

(Itutuloy)

vuukle comment

HANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with