^

True Confessions

Alupihan (164)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sigurado si Cris na second floor nag­mumula ang ingay nang nilalagaring grills ng bintana. Halos lahat nang bintana sa mga kuwarto ng boarders ay may bintana. Kaila­ngang malaman niya kung saang kuwarto nagmumula ang ingay.

Mahigpit na hinawakan ni Cris ang tubo ng gripo. Nakahanda na siya sa magnanakaw! Lalabanan niya at titiyaking ito ang bubulagta.

Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa hagdan. Sunud-sunod naman ang ingay nang paglagari sa grilIs na tila nagmamadali.

Umakyat siya. Kaila­ngang maging maingat siya sa pagpanhik sa hagdan at baka malaman ng magnanakaw. Mas maganda kung ma­huhuli niya sa akto ang magnanakaw.

Nakaakyat siya sa second floor. Patuloy niyang naririnig ang pag­lagari sa grills ng bintana. Inulinig niyang mabuti kung saang kuwarto nagmu­mula.

Pinakinggan niya ang Room No. 1 na dating inokupa ni Girlie. Idinikit niya ang taynga sa ding­ding ng kuwarto.

Wala siyang marinig.

Tinungo niya ang Room No. 2 na dating room ni Hannah. Hindi rin doon nanggagaling ang ingay.

Sa kasunod na Room No. 3 siya nagtungo. Ito ang room ni Diana.

Idinikit niya ang tay­nga sa dingding.

Nagulat siya sa nari­nig. Dito sa room na ito nanggagaling ang ingay nang nilalagaring grills.

Idinikit pa niya nang todo. Dito nga! Sigurado siya!

Humanda si Cris.

Kinuha niya sa bulsa ang susi ng Room No. 3. Laging nasa bulsa niya ang mga susi. Dahan-dahan niyang sinu­sian ang door knob. Nagklik. Dahan-dahan niyang binuksan. Maliit na awang lamang ang ginawa niya para makasilip.

Sinilip niya ang loob.

Nakita niya ang lalaki na nilalagari ang grills. Halos tapos na ang paglagari. Naka-bonnet ang lalaki. Itim ang suot na tshirt at pantalon. Nagtataka ito kung paano nakaakyat sa bintana ng kuwarto ni Diana. At napansin niyang nakabukas na ang panel ng bintana sa tapat nang nilalagaring grills. Parang ka­bisadung-kabisado ng magnanakaw ang ga­gawin.

Hanggang sa makita niyang tapos na ang magnanakaw sa paglalagari sa grills. Sumampa na ito at inilusot ang katawan sa nilagaring grills. (Itutuloy)

vuukle comment

CRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with