^

True Confessions

Ahas sa Garden (395)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA pag-iisa ni Nicole sa kanyang inuupahang bahay, madalas ay malalim siyang nag-iisip. Isa sa mga iniisip niya ay ang sinabi ni Nina tungkol kay Mang Alexis. Sabi ni Nina, maaaring may gusto o lihim na pagma­mahal sa kanya si Alexis dahil sa ipinakikita nitong kabutihan. Ayon kay Nina ang pagpapakita ng kabutihan ay isang indikasyon na may lihim na pagmamahal.

Napangiti si Nicole. Totoo kaya ang mga sinabi ni Nina o iyon ay sarili lang niyang opinyon. Baka naman hindi totoo ang sinabi niya.

Pero mula nang “kup­kupin” siya ni Mang Alexis, marami na ngang pagkakataon na nagpa­kita ng kabaitan si Mang Alexis.

Halimbawa ay ang pagbibigay sa kanya ng backpack na kailangan daw niya sa pag-aaral.

Isa pang halimbawa ay ang kutson ng kama na dinala pa mismo rito sa inuupahan niyang bahay. Kailangan daw niya ang kutson para hindi masaktan sa pagtulog.

At ang pinakamala­king tulong ni Mang Alexis sa kanya: binigyan siya ng pang-tuition para maipagpatuloy ang pag-aaral. Ito ang itinuturing niyang pinakama­laking tulong na mag-aakyat sa kanya para guminhawa ang buhay.

Kaya hindi niya bi­biguin si Mang Alexis, mas lalo pa siyang mag-aaral para makapagtapos nang may karangalan. Paghuhusayan pa niya para masulit ang tulong ni Mang Alexis.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with