^

True Confessions

Ahas sa garden (187)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PANIBAGONG plano ang iniisip ni Brenda laban kay Nath. Iiwanan niya ito kapag naibenta na ang mansion at nalimas na niya ang pera nito. Pero gagawin niya iyon kapag nakakuha na sila ng dalawang condo units, hihikayatin niyang ipangalan sa kanya ang isang unit para meron siyang sarili. Hindi siya maaaring linlangin ni Nath.

Kahit pa nakikita niya na tila nagbago na nga si Nath, duda pa rin siya. Mahirap nang pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi pa rin siya lubusang naniniwala na wala na nga itong nililikot na babae.

Pero hahayaan na niya ngayon kung meron man. Bahala siya kung sumiping nang sumiping kahit kanino. Wala na siyang paki. Basta itutuloy niya ang plano na pag-iwan dito kapag simot na simot na ang pera. Kapag pulubi na, babay na Nath, ha-ha-ha!

At lumawak pa ang ima­hinasyon ni Brenda. Kapag nakuha na niya ang pera ni Nath, hahanapin niya si Alexis. Alam niyang nakaligtas ito sa ginawa niyang pananaksak. Hindi nga siguro niya napuruhan kaya nakalabas ng mansion at nakauwi na sa kanilang probinsiya. Kukumbinsihin niya ito na magsama na sila. Siguro naman, kapag pinakitaan niya ito ng sandamukal na pera e patatawarin na siya sa ginawang pagsaksak. Madali rin naman utuin si Alexis. Madaling mapasunod. Lalambutsingin lang niya at tiyak sasama na sa kanya ito.

Mas masarap magpaligaya si Alexis kaysa kay Nath na gurang na. Matibay na matibay si Alexis at kayang sustentuhan  ang panganga­ilangan niya. Bubusugin lang niya si Alexis para kayang-kaya siyang paligayahin.

Napangiti si Brenda habang nag-iimadyin sa mga gagawin.

Kailangang udyukan na niya nang udyukan si Nath na maipagbenta ang mansion para matupad na ang kanyang mga balak. Kailangan, bago malaman ng mga anak nito sa Australia ang nangyayari sa kanilang ama ay maipagbenta na ang mansion.

Kapag nalaman ng mga anak ang nangyayari ay baka biglang umuwi ang mga ito. Tiyak masisira ang mga plano.

Ang walanghiyang si Manang lang naman ang tiyak na magsusumbong sa mga anak ni Nath at wala nang iba. Kaya gusto niyang makita si Manang para tuluyan na itong mapatahimik. Pero saan naman niya hahanapin ang walanghiya? Ang matanda lang na iyon ang tanging hadlang sa kanyang mga balak. (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with