Ahas sa Garden (139)
NAGTAKA naman si Sir Nath kung bakit bigla siyang niyaya ni Brenda sa kanilang kuwarto. Hindi niya tuloy narinig ang sasabihin ni Manang. Sasabihin na ni Manang nang biglang lumapit si Brenda. Naudlot tuloy si Manang sa pagsasalita. Mukhang mahalaga pa naman ang sasabihin ng matanda. Baka gusto nang magretiro bilang cook.
“Ano ba ang ipakikita mo Babe at nabitin tuloy ang sasabihin sa akin ni Manang?’’
Hindi agad sumagot si Brenda. Nanatiling nakatingin lang kay Nath. Katuksu-tukso ang namutawing ngiti sa labi.
“Ano Babe? Ano ba ang ipakikita mo?’’
Kumilos si Brenda.
Hinubad ang damit.
Hanggang sa wala nang natirang saplot sa katawan nito.
Patda si Nath sa ginawa ni Brenda.
Pero mabilis na nakabawi.
“Babe ang ganda mo! Sariwang-sariwa ka pa!’’
“Lagi kong inaalagaan ang katawan ko para manatiling sariwa para sa’yo. Ayaw kong papalitan mo ako, Babe.’’
Napahagikgik si Nath.
“Bakit naman kita papalitan? Sira-ulo lang ang lalaking papalitan ka! ‘’Yang ganda mong ‘yan!’’
Lihim na napaismid si Brenda. Hindi mo na ako madedenggoy ulol!
“Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba, Babe!’’ sabi ni Nath at gahamang sinakmal ang labi ni Brenda.
Matagal silang naghalikan.
Nalunod na sila.
Hanggang sa pareho na silang walang saplot at magkaisa na ang mga katawan sa kama.
(Itutuloy)
- Latest