^

True Confessions

Ahas sa Garden (77).

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINONTRA ni Alexis ang anumang naiisip na masama laban kay Mam Brenda. Hindi siya dapat mag-isip nang masama sa babae gaya nang laging sinasabi ni Manang. Galit lang si Manang kaya maraming masama na sinasabi kay Mam Brenda. Mabait lang talaga si Mam Brenda at katuna-yan ay pinuntahan pa siya rito sa kuwarto para ala­min kung masakit pa ang paa na kunwari’y napilay dahil natapilok. At yung pagtuon nito sa “umbok” sa harapan niya ay hindi sinasadya ni Mam Brenda.

Sana ay hindi siya sumunod sa utos ni Manang na huwag pumunta sa kuwarto ni Mam Brenda. Baka may iuutos lang talaga ito sa kanya kaya siya pinapupunta. Kaya sa sunod na utusan siya ni Mam Brenda para pumunta sa kuwarto ay susundin na niya. Hindi siya makikinig kay Manang. Baka sa pagsunod niya sa utos nito ay mapahamak siya. Baka magsumbong si Mam Brenda kay Sir Nath na hindi siya sumusunod sa utos at tangga­lin na siya rito.

Kinabuka­san, siya na ang naglinis ng swimming pool. Sa-sabihin niya kay Mam Brenda na magaling na siya. Hindi na pilay.

Maya-maya, dumating na si Brenda. Naka-two piece ito at handa nang mag-swimming.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with