^

True Confessions

Sadiq (144)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, kinontak agad ni Sadiq ang dating boss at kaibigan sa Saudi na si Saeed Al-Ghamdi. Bakas sa tinig ni Saeed ang kasiyahan sa pagtawag ni Sadiq. Masaya ang kanilang pag-uusap. Nagpasalamat na rin si Sadiq sa mga nagawang tulong ni Saeed noong nagpapagamot pa ang asawang si Gina. Malaki ang pinadalang pera noon ni Saeed para tulong sa pagpapa-chemo ni Gina. Hindi iyon malilimutan ni Sadiq.

Sabi naman ni Saeed, isang mabuting kaibigan si Sadiq kaya nararapat lamang tulungan sa oras ng pa­ngangailangan.

Hanggang sa madako ang usapan nila sa balak na food business ni Saeed sa Pinas. Nag-alok ng tulong si Sadiq para matuloy ang negosyo. Tuwang-tuwa si Saeed.

“You’re really a good friend, Sadiq. Shokran cater!’’ sabi ni Saeed na halatang masayang-masaya.

Sinabi ni Saeed ang balak na business. Gusto pala nito ay mga dried fruits mula Saudi Arabia ang itinda na gaya ng dates, fig, Ara­bian mango at iba pa. Isang food stall ang gusto niya na pawang dried fruits ang inio-offer. Siya raw ang bahalang mag-shipped ng mga produkto. May kontak na siya sa Riyadh kaya walang problema sa supply.

Naisip ni Sadiq na maaaring pumatok ang negosyo sapagkat wala pang ganoong business dito.

Sabi pa ni Saeed, hindi lamang Arab people ang makagugusto kundi pati ibang nationalities kabilang ang Pinoy lalo ang nagda-diet.

“Good idea, Sa­eed.’’

“Shokran, Sadiq. By the way, I want JayR to handle my business, he is good like you.’’

“Thanks, Saeed. I’ll tell him.’’

“Shokran my friend.’’

Kinabukasan din, sinabi ni Sadiq kay JayR ang balak ni Saeed. Tuwang-tuwa si JayR.        (Itutuloy)

vuukle comment

SAEED AL-GHAMDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with