^

True Confessions

Sadiq (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IKINUWENTO ni Sadiq na ang kanyang tatlong anak ang nagpapatakbo ng SADIQ FRIESSARAP at mahusay ang mga ito. Maraming naimbento na kinagiliwan ng mga customer.

“Kakaiba ang talino ng mga anak ko JayR. Imagine ang plano ko lang sa food business namin ay maliit na food stall lang pero ngayon, lahat nang paupahan kong apartment sa ground floor ay okupado na.’’

“Galing! Baka sobra-sobra na ang yaman mo Sadiq.”

Nagtawa si Sadiq.

“Hindi pa naman gaano JayR pero baka dumating ang araw e mangyari ang sinasabi mo. Kasi nga’y kilalang-kilala na at bina­balik-balikan ang tindahan namin.’’

“Kailan ka magpa-franchise? Para makakuha na ako.’’

“Sa ngayon, wala pa kaming plano. Mas nakatutok pa kami sa pagpapalaki ng espasyo. Advise kasi ng mga anak ko, focus muna kami sa expansion ng tindahan at saka na muna pasukin ang pagpapa-franchise.”

“Akala ko open na for franchising. Kukuha na sana ako.’’

“Hayaan mo at kapag nagdesisyon kami, ikaw ang unang bibigyan ng franchise.’’

“Sige ha. Kapag naka­kuha ako, aalis na ako rito sa Saudi. Mahirap ang nasa malayo, Sadiq. Nakaka-homesick na.”

“Mag-asawa ka na kasi.”

Nagtawa lamang si JayR.

 

KUMPIRMADONG wala na nga ang cancer ni Gina nang muli siyang magpa-checkup. Wala nang trace ng tumor. Parang mantsa na nawala at sukat. Isang malaking himala.

“One hundred percent, Misis na wala ka nang cancer,’’ sabi ng mabait na doctor.

“Salamat po. Mara­ming salamat.’’             (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with