^

True Confessions

Sadiq (71)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAGDATING nila sa bahay, inihanda ni Sadiq ang kakainin nila ni Gina para sa tanghalian. Nasa school ang tatlo nilang anak. Nagsaing at ipinainit niya ang mga ulam. Si Gina sana ang gagawa ng mga iyon pero pini­gilan siya ni Sadiq.

“Huwag ka nang kumilos, Mommy. Maupo ka na lang at magpahinga. Ako ang bahala rito. Ka­yang-kaya ko ang mga ito.’’

“Kawawa ka naman, Daddy. Tutulungan kita!’’

“Huwag na. Kaya ko ito. Manood ka na lang ng TV.’’

Ipinagpatuloy ni Sadiq ang pagluluto. Habang nagluluto, maliksi niyang kinuha ang mga maruruming damit sa kuwarto ng mga anak at pati sa kanilang kuwarto. Inilagay ang mga iyon sa washing machine. Kaya habang nag­luluto siya, naglalaba na rin. Eksaktong tapos ang pagluluto, matatapos na rin siya sa paglalaba.

Nang maluto ang kanin at ulam, kumain silang mag-asawa. Masaya silang nagkukuwentuhan habang kumakain.

“Ang sarap mong mag­luto, Daddy. Nagluluto ka ba sa Saudi?’’

“Hindi.”

“Ba’t ang sarap mong magluto?’’

“Diskarte lang yan. At saka mabilis namang iluto ang bistik.’’

“Sabagay. Pero ang sarap ng luto mo talaga.’’
“Salamat. Bukas, paksiw na bangus naman ang iluto ko at saka monggo.’’

“Sige masarap yun Daddy.’’

Pagkatapos kumain nagsampay ng damit si Sadiq. Nakaalalay naman si Gina sa kanya. Naa­awa si Gina dahil ang dati niyang trabaho ay ang asawa na ang gumagawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(71)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with