^

True Confessions

Sadiq (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PUMASOK na sa check-in area ng King Khalid International Airport (KKIA) si Sadiq. Hindi naman umaalis si JayR sa kinatatayuan at inihahatid ng tingin ang kaibigan. Umalis lamang siya nang nasa loob na si Sadiq at hindi na niya makita.

Mabigat ang loob ni JayR sa hindi inaasahang pagre-resign at pag-uwi ni Sadiq sa Pinas. Pakiramdam niya, naulila siya. Nawalan ng mabuting kaibigan. Ngayong nag-iisa na siya sa room, mahihirapan siyang makapag-adjust. Kung kailan pa lubusan silang nagkalapit bilang magkaibigan saka naman biglang nawala. Pero wala siyang magagawa dahil kailangang umuwi para damayan at paglingkuran ang asawa. Mahal na mahal ni Sadiq ang asawa. Damang-dama niya ang pagmamahal ni Sadiq kay Gina sapagkat umiyak pa ito nang malamang may stage 4 cancer ang mahal na asawa. Habang nakikipag-usap noon si Sadiq ay tumutulo ang luha.

Walang kasigla-sigla si JayR nang umuwi sa kanilang villa mula sa airport. Nang pumasok siya sa kuwarto, tahimik na tahimik. Noong narito pa si Sadiq, masaya sila. Walang tigil sa pagkukuwento si Sadiq. Halos lahat ay ikinuwento na nito kaya lagi silang masaya.

Ngayong nag-iisa na siya, hindi niya alam kung paano palilipasin ang mga araw. Mahirap naman kung lilipat siya sa ibang kuwarto. Baka ang makasama niya ay masama ang ugali. Sana, kung may katulad pa ni Sadiq…

BUMABA na ang eroplanong sinasakyan ni Sadiq sa NAIA. Wala siyang kasigla-sigla. Iyon na ang pinakamalungkot niyang pag-uwi.

Wala siyang sundo ngayon. Hindi niya ipinaalam kay Gina na uuwi siya. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with