^

True Confessions

Alakdan(19)

- Ronnie M. Halos -

“ANONG nangyari Digol?’’

“Pinasok ang bahay ni Kat. Pinagnakawan. Ang masaklap, ginahasa pa at pinatay. Pati ang maid niya ay ganundin ang ginawa.’’

Hindi makapagsalita si Troy sa pagkabigla. Malungkot pala ang nangyari sa babaing minahal ni Digol.

‘‘May nahuling suspek at ikinanta ang mga ginawa kay Kat at sa maid. Ginahasa nga at pinagnakawan ang dalawa. Ang utak ng krimen ay ang dating boyfriend ng maid. Nahuli rin at umamin na. Ilang araw ang pagkahuli sa suspect nabalitang binaril ng pulis. Nang-agaw daw ng baril.’’

“Anong nangyari sa’yo pagkaraang mawala si Mam Kat?”

“Nasira ang plano ko Pinsan. Nang mawala si Kat, nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng inspirasyon ko.’’

“Sumilip kay Mam Kat nang ito ay nakaburol?’’

“Oo Pinsan. Kahit na kinakabahan ako, tinapangan ko ang loob. Nagpunta ako sa Arlington. Alam mo kakahiyang pumasok sapagkat pawang mga mayayaman ang naroon. Mga naka-Amerikana. Napakaraming bulaklak na halos matakpan na ang kabaong ni Kat.

“Nakita ko ang isang lalaking mga 60 years old, kalbo at nakaupo sa malapit sa kabaong. Iyon daw ang asawa ni Mam Kat. Mukhang hindi marunong ngumiti. Katabi ng la­laki ang dalawang babae na ayon pa rin sa katabi ko ay anak ni Mam Kat.

“Lakas-loob akong lumapit sa lalaki at kinamayan bilang pakikiramay. Nakatingin ang lalaki na parang iniisip kung sino ako. Pagkatapos ay sinilip ko na si Mam Kat sa kabaong. Napakaganda pa rin niya. Walang kupas kahit nakahimlay na. Umusal ako ng dalangin para sa kanya.’’

‘‘Ano na ang nangyari sa iyo nang mawala si Mam Kat?’’

‘‘Nagbalik ako sa da-ting trabaho. Wala nang nagsusustento sa akin. Mamamatay ako sa gutom. Hindi na ako nag-aral dahil wala nang ipangtu-tuition. Umalis ako sa kuwartong inuupahan at naghanap nang mas maliit na matitirahan.’’

“Balik ka sa pagsa­sayaw sa harap ng mga matrona at bakla, Digol?”

‘‘Oo. Akala ko nakata­kas na ako sa gaybar, hindi pala…” (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

DIGOL

KAT

LSQUO

MAM KAT

NANG

OO PINSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with