^

True Confessions

Ganti (117)

- Ronnie M. Halos -

“ANO nga pala ang pa­ngalan ng Mama mo, Viah? Ang haba ng kinuwento mo sa kanila e hindi mo nabanggit ang name ng mama mo.”

‘‘Celia po.’’

‘‘Ipagsama mo siya rito ha. Sa isang linggo puwede mo siyang isa-    ma? Tamang-tama birthday ko.’’

“Sige po.’’

“Gusto ko kami naman ang magkakuwentuhan. Palagay ko nga magkakasundo kami dahil halos magkatulad ang aming kasaysayan.”

“Ang kaibahan lang po e marami kayong natulungan na mga babae sa Binondo na minamaltrato. Nakahahanga po ang ginawa n’yong pagliligtas sa kanila.”

“Talaga palang alam mo lahat ang mga ginawa ko, Viah.”

“Ikinuwento po sa akin ni Edel. Wala po siyang inilihim. Mula sa simula ay kinuwento niya. Pati kaliit-liitang detalye ng inyong buhay at mga pi­nagdaanan. Pati nga po ang mga dinanas n’yong kalupitan sa mag-asawang Intsik nun e ikinuwento ni Edel.”

“Magkasundung-magkasundo talaga kayo ni Edel ano?”

“Ay opo. Kung minsan po e nagkakatampuhan pero madali naman naming pina-patch-up. Yun naman daw po ang sekreto nang magandang relasyon, kailangang marunong tumanggap ng pagkakamali ang bawat isa. Pero alam n’yo po, maligayang-maligaya ako kapag kasama si Edel. Talagang hindi po yata ako mabubuhay kung wala si Edel.”

Nagtawa si Lorena at hinimas-himas ang braso ni Viah. Natitiyak ni Lorena na magiging mabuting asawa si Viah. Sigurado siya na magiging maliga-ya ang dalawa.

Sumunod na Linggo ay   isinama na ni Viah ang mama nito kina Lorena. Mainit na mainit ang pagtanggap ni Lorena kay Celia. Para bang matagal na silang magkakilalang dalawa.

‘‘Ang ganda mo pala Celia.’’

‘‘Ikaw man, Lorena. Si­yanga pala, Happy birthday.’’

‘‘Salamat, Celia. Mabuti naman at nakarating ka rito sa Nagcarlan. Ipinagbilin kong mabuti kay Viah.’’

‘‘Sabi ni Viah, huwag na huwag daw akong tatanggi at naipangako na niya sa’yo. Sabi ko naman e bakit ako tatanggi e gusto ko na ring makaharap ang kanyang future mother-in-law. At saka gusto ko ring makarating dito sa Nagcarlan. Gusto kong makita ang Un­derground Cemetery at ang simbahan na madalas daw pagsiyutingan.”

“Hayaan mo at itu-tour kita.”

Masagana ang hapag na inihanda ni Lorena. Espesyal na mga pagkain —mga putaheng Nagcarlan —na siya mismo ang nagprepara. Gusto niyang ipakita at ipadama kina Celia at Viah ang mainit na pagtanggap sa mga ito.

Pero hindi akalain ni Lo­rena na may nakalaang sor­presa sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

CELIA

EDEL

LORENA

LSQUO

NAGCARLAN

VIAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with