^

True Confessions

Ganti (112)

- Ronnie M. Halos -

“PAGKUKUWENTO ni Mama, ako raw po ay isang taong gulang na noon. Dumating daw po sa shop namin ang drayber ni Lola (Misis Chan) at hinahanap si Papa. Si Papa naman noon ay nasa Maynila at kumukuha ng mga order na turnilyo at spare parts ng motorsiklo. Tinatanong daw ni Mama ang drayber ni Lola pero ayaw magsalita. Si Papa raw ang gustong makausap. Sinabihan ni Mama ang drayber na bumalik na lamang dahil madaling araw pa ang balik galing Maynila. Babalik na lang daw ang drayber.

“Sinabi ni Mama kay Papa ang pagpunta ng drayber ni Lola. Nagtataka raw si Papa kung bakit nagtungo ang drayber. Hula ni Papa may mahalagang sadya. Baka raw patata-warin na sila ni Mama.

“Kinabukasan ay nagbalik ang drayber. Nag-usap sila ni Papa. Hiniling ng drayber na isang saradong kuwarto sila mag-usap. Pumayag si Papa. Si Mama raw muna ang nag-asikaso sa mga customer ng shop. Sanay na rin daw si Mama sa pagmamanage ng shop. Na-train na raw siya ni Papa.

“Siguro raw po ay may 20 minutes na nag-usap sina Papa at ang drayber. Nang lumabas, narinig daw na sabi ni Papa sa drayber, “hindi ako pupunta roon kung ako lang, kailangan kaming tatlo…”

“Nagtataka raw si Mama sa mga pananalitang iyon ni Papa. Nang makaalis daw ang drayber saka ipinagtapat ni Papa ang lahat. Pinatatawad na raw ni Lola si Papa. Maaari na raw itong makapunta sa kanilang bahay pero si Papa lang at hindi si Mama. Hindi pa rin napapatawad si Mama.

“Napaiyak daw si Mama. Masamang-masama raw ang loob niya. Talaga raw ayaw na ayaw sa kanya ni Misis Chan. Hindi talaga siya gusto nito para kay Papa.

“Pinayapa raw naman siya ni Papa. Hindi naman siya pupunta roon. Hindi raw kailangan ni Papa ang patawad ng mommy niya. Kailangan daw, tanggapin din nito si Mama at pati akong apo. Sabi pa raw ni Papa, lalo raw lang lumalayo ang loob niya sa kanyang ina.”

(Itutuloy)

vuukle comment

DAW

DRAYBER

LOLA

MAMA

MAYNILA

MISIS CHAN

PAPA

RAW

SI PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with