^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib! (85)

- Ronnie M. Halos -

MAGANDA raw itayong negosyo ay pagkain. Mahilig daw kasing kumain ang mga Pinoy. Basta nasarapan ang Pinoy sa kanyang kinain, babalik at babalik siya. Kaya iyon ang pinag-aralan ni Fred. Kailangang makapagluto siya nang masarap na aroskaldo at batsoy. Nagpatulong siya kay Melda. Nagtanung-tanong muna kung magkano ang maaaring capital na pera sa naisip nilang negosyo. Kayang-kaya pala ni Fred. Kahit na hindi siya tulu-ngan ni Melda sa perang panimula.

Hindi naman siya babayad ng puwesto dahil mismong sa bahay siya magtitinda. Maluwang ang garahe ng bahay niya. Aayusin lang niya iyon para maging kaakit-akit sa kustomer.

“Pinturahan mo nang makulay Kuya. Pansinin mo ang mga restaurant ngayon, matitingkad na pula ang kulay. Kasi raw kaya pula, fire. E di ba gumagamit ka ng apoy sa pagluluto.”

“Mahusay ka na sa pungsoy ha?”

‘‘Kailangan ang pungsoy Kuya. Tingnan mo ang mga negosyo ng Intsik at mauunlad.’’

“E di wala akong problema sa puwesto. Ang kailangan e makapag-ekspe-rimento ako nang masarap na aroskaldo o kaya ay batsoy.”

“Iyan ang dapat mong pag-aralan. Mas maganda kung mag-obserba ka muna sa mga nagtitinda ng aroskaldo at batsoy sa tabi-tabi diyan. Pag-aralan mo kung ano ang ikinagugusto ng customer.”

Ganoon nga ang ginawa ni Fred. Ilang beses siyang kumain sa mga lugawan at batsoyan sa tabi-tabi at pinag-aralan niya.

Minsan pa, nakakuwentuhan niya ang babaing kusinera sa restaurant na kinainan niya. Ang restaurant na iyon ay nasa isang tagong lugar sa may Sta. Ana. Wala sa loob na nagbigay ng tip ang mabait na kusinera kung paano siya magluluto ng masarap na aroskaldo at batsoy. Tinandaan niyang mabuti ang mga sinabi ng kusinera.

Pagdating ng bahay, sinubukan na niyang magluto ng aroskaldo. Sinunod niya ang mga sinabi ng babaing kusinera.

Nang maluto, si Melda ang una niyang pinatikim.

“Konti pang alat at luya, Kuya.”

Nang tikman uli.

“Okey na pero masyadong malapot.”

Tinikman uli.

“Aba okey na, Kuya. Masarap na.”

‘‘Magluto muna ako sa isang malaking kaldero. Testing.”

Nang maluto, binuksan ni Fred ang kanyang garahe. Ipinatong sa mesa ang kalderong may aroskaldo na umuusok pa. Inihanda niya ang mga plastic cup.

Hindi makapaniwala si Fred nang maglapitan ang mga taong bibili. Iglap lang naubos ang kanyang aroskaldo!

(Itutuloy)

vuukle comment

AROSKALDO

KUYA

MELDA

NANG

NIYA

PINOY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with