^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (74)

- Ronnie M. Halos -

NATUTUWA na ang kapatid ni Fred na si Melda sapagkat unti-unti nang nakukuha ng ama ang loob ni Kim. Dati’y walang imik si Kim at hindi ngumingiti pero mula nang magpakita ng pagmamahal si Fred dito ay naging maaliwalas na ang mukha. Malaki na ang pagbabago.

“Kuya kaunting lam-bing pa kay Kim at makukuha mo na.”

“Oo nga. Ano pa ka-yang magandang gawin para mapalapit na nang husto sa akin si Kim?”

“Manood kayo ng sine tapos ay ikain mo sa labas. Noon pa sinasabi sa akin na manood daw kami ng sine e hindi ko naman ma­gawa dahil marami rin akong trabaho sa klinika ko.” Si Melda ay dentista. Nasa bahay ang klinika niya.

“Sumama kaya kapag niyaya ko?”

“Oo. Sigurado yun lalo na kapag maganda ang sine.”

Ganoon nga ang ginawa ni Fred. Niyaya niya si Kim isang Sabado. Isang sci-fiction movie ang pinanood nila. Nang nasa loob na ng sinehan ay tila namamangha sa nakikita. Noon nga lang yata nakapasok ng sinehan ang anak. Tuwang-tuwa nang nag-uumpisa na ang pelikula. Tumitindig pa sa sobrang excitement sa pinanonood. Sabik na sabik nga sa sine.

Pero hindi natapos ang pinanonood sapagkat inantok si Kim. Natulog ito habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Fred. Inayos ni Fred ang ulo ng anak habang nakahilig sa kanya. Nang magising ay tapos na ang pelikula.

“Labas na tayo, Kim?”

Tila naalimpungatan at hindi agad nakasagot. Nananaginip pa yata. Nagpa-linga-linga muna.

“Opo Papa, labas na tayo. Nagugutom ako..”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag siyang Papa ni Kim. Tuwang-tuwa si Fred. Hindi na galit sa kanya si Kim.

“Oo. Kakain tayo paglabas natin dito. Saan mo gusto.”

“Hamburger ang gusto ko Papa at saka fries.”

“No problem.”

Paglabas ng sinehan tinungo nila ang sikat na hamburger chain. Umorder si Fred ng mga gusto ni Kim. Kahit ano ay bibilhin niya para kay Kim.

Gabi na sila ng umuwi. Nakaabang si Melda.

“Mukhang pagod na pagod ka Kim.”

“Pinagod ako ni Papa, Tita.”

“Bakit?”

“Pinagod ako sa kakakain.”

Nagtawa si Melda. Nakatingin kay Fred. Alam ni Melda, solb na ang problema ng mag-ama.

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

KIM

MELDA

NANG

OO

OPO PAPA

PINAGOD

SI MELDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with