^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa(18)

- Ronnie M. Halos -

HINDI ko rin maintindihan ang sarili ko sa ginagawang ito na lihim na pagsubaybay kay Jesusa. Nasisiyahan ako na umakyat sa mangga para makita ang ginagawa ng isang babae. Hindi ko madisiplina ang sarili na huwag umakyat. Hinahatak ako ng mga paa ko na umakyat sa mangga. Tila ba may nagbubulong sa akin na umakyat sa puno at subaybayan ang ginagawa ni Jesusa.

Ngayon ay eto na naman ako at mahigpit na nakahawak sa sanga habang nakaupo at nakatunghay sa kabilang bakuran. Wala pa si Jesusa. Siguro naman ay hindi pa siya nakakaalis dahil maaga pa. Pasado alas-sais lamang ng umaga.

Pinagmasdan ko ang paligid ng bakuran. Hindi pa nadidilig ang mga halaman. Yung mga sunflower na binagsakan ng sanga na galing daw sa punong kinaroroonan ko ay wala nang bakas na napinsala.

Hindi pa nagigising si Jesusa kung ganoon.

Naghintay ako. Malaki pa ang oras para mapagbigyan ko ang aking hilig. Mamayang alas-nuwebe pa ako papasok sa opisina. Kahit nga hindi ako pumasok ngayon e puwede dahil wala naman akong nira-rush. Tapos na yung pang-cover para sa isyu ng MATIKAS magasin.

Mamaya-maya, nakarinig ako ng pagbubukas ng pinto sa tagiliran ng bahay. Noon ko lamang nakitang binuksan ang pinto sa gilid. Si Jesusa ang lumabas. Bagong gising. Hindi pa nasusuklay ang hanggang balikat na buhok pero maganda pa rin. Ang tunay daw na maganda ay makikita kahit bagong gising at walang make-up.

Gaya ng dati, naka-t-shirt na maluwang at shorts. Napagmasdan ko ang mga legs at hita, perpekto talaga sa tingin ko. Maganda ang hubog. Hindi katangkaran, siguro mga 5’3 siya. Kahit maluwang ang t-shirt halata ang mayayabang na boobs. Wala kasing bra. Iyon ang isang ikinagusto ko, kay Jesusa, hindi nagba-bra. Kapag lumalabas kaya ng bahay, nagba-bra siya. Naalala ko si exotic Mira na model ng MATIKAS, hindi rin nagba-bra nang una kong makita sa Nagcarlan. Ganundin kaya si Jesusa? Sabagay, magbra man o hindi si exotic Mira, walang gaanong epekto sa akin. Ang ma­gandang ginawa lang ni Mira ay nang maghubad ng kamison.

Kaya pala sa tagiliran ng bahay lumabas si Jesusa ay dahil mayroon siyang gagawin sa dakong iyon. Inilabas niya ang asarol at sinimulang dukalin ang lupa. Malambot ang lupa kaya madaling nadukal. Sa bawat unday ng asarol ay umaalog ang dibdib ni Jesu-sa. Sanay na sanay magdu-kal ang babaing ito.

Saglit lang at nadukal na ang bahaging gustong taniman. Dinurog niya ang nadukal na lupa ng isang hugis kutsarang panggarden. May mga gamit si Jesusa. Natapos durugin ang lupa. Kinuha ang hose at saka dinilig iyon. Saglit pa handa nang taniman ang lupa. Itinanim na ni Jesusa ang mga buto na nasa supot. Sanay na sanay magtanim si Jesusa.

Eksaktong natapos itanim ang mga buto ay may tuma­wag kay Jesusa. May bisita! Hindi ko makita kung sino ang dumating. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DINUROG

JESUSA

KAHIT

MIRA

SAGLIT

SI JESUSA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with