^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-51 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

HAYAAN ko na lang ang relasyon ng dalawa. Mas mabuti nang babae ang karelasyon ni Rina kaysa naman sa lalaki. Hindi siya ma-bubuntis. Hindi masasabing "naiputan" ako sa ulo sapagkat babae ang karelasyon.

Pero kapag naki-kita ko ang dalawa na magkasama at masayang nag-uusap sa salas (iyon ay kapag wala na ang aming mga anak) ay tila gustong kumulo ang aking dugo. Gusto kong sugurin ang dalawa at bahala na kung ano ang mangyari. Talagang hindi na mabaklas si Rina kay Joan. Parang tuko na kapit na kapit na ang asawa ko sa tibo.

Pero napipigil ko ang sarili na magpadala sa galit. Naaa- lala ko ang sinabi ni Hilda na bayaan ko na lang daw ang dalawa. Huwag daw akong magpadala sa galit.

May pagkakataon pang nakita ko na sabay pumasok sa banyo sina Rina at Joan. Sabay na maliligo. Lumapit ako sa may pintuan ng banyo at inulinig kung ano ang ginagawa ng dalawa. Naghaharutan. Idinikit ko pa ang aking taynga sa pinto. Masayang-masaya ang dalawa.

Naririnig ko rin naman ang bagsak ng tubig mula sa shower. Hanggang sa wala na akong marinig na ingay. Tanging ang bagsak ng tubig ang narinig ko.

Gusto kong kabugin ang pinto ng banyo pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili. Umalis na lang akong nagngingitngit. Bahala na sila kung ano ang gawin nila sa loob ng banyo.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHALA

BATAY

DALAWA

HANGGANG

HILDA

HUWAG

IDINIKIT

ITUTULOY

PERO

RINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with