^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-122 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


NGAYON ko lamang naisip na isang kasamahan ko ring lalaking nurse sa ospital ang dinumihan sa ulo ng asawa. Nakakaawa ang kasamahan ko sapagkat parang masisiraan ng ulo kapag maaalaala ang nangyari. At mas matindi, inabot pa ng kasamahan ko ang kanyang asawa habang may nakapatong na ibang lalaki – sa kanilang bed.

Naaktuhan ng kasamahan ko sapagkat hindi niya pinaalam na uuwi siya sa Pinas mula Saudi. Nagpapakasawa pala sa kamunduhan ang asawa niya. Nakapagpigil pa rin naman daw siya at nakabalik sa Saudi pero ang epekto ng pagtataksil ay hindi maalis sa kanyang isipan. Mabuti na lang at naka-recover ang kasamahan ko at ngayon ay nasa Canada na. Isa nang caregiver at huling balita ko, may asawa na ring iba.

Ang nurse na kasamahan ko at si Kuya Jefff ay walang ipinagkaiba. Parehong iniputan sa ulo ng asawa.

Totoo pala ang mga pangyayari na may mga misis na kumakaliwa. Ang katibayan ay ang aking kapatid na tatlong beses palang winalanghiya ang asawang si Kuya Jeff. Hindi ko masisisi si Kuya Jeff na mahalin ako. Naghahanap siya ng masasandalan. Mahinang lalaki si Kuya Jeff na kung hindi aalalayan ay baka kung ano ang gawin. Mabuti nga at nadala sa mga payo ko na kalimutan na lang ang ginawa ni Ate. Pero kung malalaman ni Kuya Jeff na tatlong beses pala siyang naiputan sa bumbunan, baka magwala iyon at hanapin si Ate at patayin. Mas maganda kung hindi ko na sasabihin iyon sa kanya.

"May sakit ka ba Ate?"

Hindi sumagot si Ate. Nakatingin sa kawalan.

(Itutuloy)

vuukle comment

ISA

ITUTULOY

KASAMAHAN

KASAYSAYAN

KUYA JEFF

KUYA JEFFF

MAHINANG

NAAKTUHAN

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with