^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-47 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

PINAGMASDAN ko ang mukha ni Ellie habang nakaunan sa aking braso. Malalago ang kanyang kilay na bumagay sa magagandang mga mata na kapag nagsasalita ay nakatawa. Manipis ang kanyang mga labi. Kung hindi tititigan si Ellie ay hindi gaanong mapapansin ang kagandahang iyon. Noon ay hindi ko siya mapagtuunan ng pansin dahil sa suot niyang abaya. Nagmumukha siyang matanda. Lumutang ang ganda nang mahubaran ng abaya. Nalantad ang katamtamang pangangatawan na masarap ikulong sa aking mga bisig. Kaiba si Ellie kaysa kay Tet.

Nalantad din ang mga nakatagong kuwento ng kanyang buhay. Hindi naman ako nagtatanong subalit nang gabi ring iyon, nalaman kong may asawa at isang anak si Ellie. Mula sa isang kilalang bayan sa Bicol. Ang mister daw niya ay nagtatrabaho sa isang department na may kinalaman sa pagsasaka. Hindi sinabi kung ano ang posisyon. Pero sa tantiya ko ay karaniwang empleado lamang. Hindi magtatagal sa abroad si Ellie kung sapat-sapat ang kita ng asawa. Anim na taong gulang daw ang kanilang anak – isang lalaki. May sarili na raw silang bahay at lupa. Ang kanyang mga magulang daw ay buhay pa. Siya rin ang bumubuhay sa matatandang magulang. Ang kanyang mga kapatid daw ay isang kahig isang tuka rin.

Nilaru-laro ko ang labi ni Ellie at saka pabirong tinanong. "Paano kung malaman ng mister mo ang ginagawa natin?"

Hindi umimik si Ellie. Isinubsob ang mukha sa aking braso. Alam ko, malayo pa ang aabutin ng aming relasyon. Nagsisimula pa lamang kami at kahit na ipinangako ko na sa aking sarili na hindi na titikim ng ibang putahe, malamang na hindi ko na bibitawan si Ellie. Ngayon pa na nakita ko na ang itinatago niya at nagpamalas pa ng mga kakaibang karahasan sa akin. Sa mga babaing nakaugnayan ko, si Ellie ang sa palagay ko ang "pinakamainit". Hindi ko na siguro dapat pang tanungin kung mahilig siya sa sili. Pero iyon ang aking naranasan sa kanya.

Umalis si Ellie sa pagkakasubsob sa aking braso. Bumangon at umupo. Nakatapi hanggang dibdib ang kumot. Nakita ko ang puno ng makatas na mga "papaya". Noon ko naalala ang kanyang bra na "pinakialaman" ni Aziza. Ipinasya kong ibigay iyon sa kanya. (Itutuloy)

vuukle comment

AL KHOBAR

ELLIE

NALANTAD

PERO

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with