^

True Confessions

Mapait na asukal (Ika-28 Labas)

TRUE CONFESSION - Ronnie M. Halos -
Kinuha ni Lara ang kanang kamay ni Jay at ipinatong sa maselang bahagi ng kanyang katawan na natatakpan lamang ng kapiranggot na pangligo. Parang napaso si Jay subalit sumapo rin doon. Hinayaan niyang nakadantay doon. Gusto niyang maglumikot. Gusto niyang testingin kung hanggang saan ang pagiging maginoo.

Subalit nagulantang sila nang may tumawag sa kanila. Para silang binuhusan ng tubig. Si Bong. Nakatayo sa may puno ng niyog at pinanonood sila. Gusto niyang mainis kay Bong. Pakialamero!

"Masarap bang maligo?" tanong nito.

Tumayo na sina Lara at lumapit kay Bong. Naka-shorts si Bong at kulay puting t-shirt. Napansin ni Lara ang masusing pagtingin ni Bong sa kanyang katawan. Para bang noon lamang nakakita ng babaing naka-two piece. Agad namang binawi ang pagkakatingin sa kanyang katawan.

"Magsu-swimming din ako para mawala ang sakit ng ulo ko." Sabi ni Bong at hinubad ang suot na t-shirt. Nakita ni Lara ang balahibuhing dibdib nito.

Hindi inaasahan ni Lara nang ipagtapat ni Jay kay Bong ang balak nilang pagpapakasal. Ang akala ni Lara ay ililihim muna sa lahat at kapag plantsado na ang plano saka ipamamalita. Sa narinig ay parang nabigla si Bong. Matagal bago nakapagsalita. At sa himig ay parang pilit pa ang tinig.

"Siguro nga’y dapat na kayong pakasal. Kakainggit nga kayo kanina."

Sa isip ni Lara ay matagal na nga silang pinagmamasdan ni Bong. Siguro’y nakita pang siya ang nagkusang ipatong ang kamay ni Jay sa kanyang "pagkababae". E ano ba?

"Kailan n’yo balak magpakasal?" Tanong ni Bong.

"Pag-uusapan pa namin ang petsa. Pero ang sure ngayong taong ito." Sagot ni Jay.

"Kakainggit talaga kayo," sabi uli nito.

"Wala ka bang girlfriend?" Tanong ni Lara na may pagkasarkastiko.

Napatawa si Bong sa tanong niya. Si Jay naman ay parang napatulala sa pagkakataong iyon. Para bang ang tanong niya ay isang maselang bagay at hindi dapat ungkatin. Aywan niya subalit ganoon ang naramdaman niya. (Itutuloy)

vuukle comment

AYWAN

BONG

HINAYAAN

KAKAINGGIT

LARA

SI BONG

SI JAY

SIGURO

TANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with