^

Metro

Dalagita pinalo ng bote sa ulo, nilaslas ang dibdib ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dalagita pinalo ng bote sa ulo, nilaslas ang dibdib ng kapitbahay
Lumilitaw sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Junie W Laluan ng QCPD Police Station 11, nangyari ang krimen dakong ala-1 ng madaling araw sa kahapon sa eskinita ng  La Felonila St., Brgy. Damayan Lagi, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 15-anyos na dalagita nang paluin ng bote sa ulo at laslasin ang dibdib ng kanyang kapitbahay na kanyang nakaalitan na nadiskubreng kahapon ng madaling araw sa Brgy. Damayang Lagi, ­Quezon City.

Ginagamot sa East Avenue Medical Cente (EAMC) ang biktimang si alyas “Juana”, estudyante habang pinag­hahanap na si Nicole Gamit, 23, residente ng Blk. 3, Brgy Damayan Lagi, Quezon City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Junie W Laluan ng QCPD Police Station 11, nangyari ang krimen dakong ala-1 ng madaling araw sa kahapon sa eskinita ng  La Felonila St., Brgy. Damayan Lagi, Quezon City.

Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Leny Padilla nang makasalubong ang suspek at bumubulong.

Sinita ng biktima ang suspek subalit bigla siyang pinalo ng bote nito sa ulo. Hindi pa nakuntento, kinuha pa ng suspek ang basag na bote at nilaslas ang dibdib ng biktima.

Agad namang rumesponde si Grace Manuel, BPSO ng Brgy. Damayan Lagi at dinala ang biktima sa ospital.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang motibo ng krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with