^

Pang Movies

Kobe at Kyline, nag-date

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kobe at Kyline, nag-date
Kyline Alcantara

Tanong ng netizens, ano raw ba ang meron kay Kyline Alcantara at lapitin ng mga guwapo? Ito ay pagkatapos lumabas na nag-date sila ni Kobe Paras na alam ng marami, crush ng maraming taga-showbis. Tapos, si Kyline ang napusuan at heto na nga, nag-date na.

Kaya nalamang nag-date ang dalawa dahil sa magkapareho nilang post sa kani-kanyang IG Stories na nasa restaurant sila at makikita ang isang chef at mga kasama na nagpe-prepare ng food.

Ang kaibahan lang sa post nina Kobe at Kyline ay ang post ng una na may pink roses na nakalagay sa table. For sure, para kay Kyline ang pink roses na ‘yun at sa kanilang dalawa ang two wine glasses.

Ang post naman ni Kyline ay dessert na in-order nila na sa liit ng servings, parang pareho silang nagda-diet.

Pinost din ni Kyline ang Inato na isang Filipino resto sa may Makati.

May kasamang inggit pala ang tanong kung bakit lapitin ng mga guwapo si Kyline dahil after Mavy Legaspi, isa ring guwapo ang naka-date niya. Kapag nasundan pa ang pagde-date nila ni Kobe, mas maraming nega comments ang ibabato sa lead actress ng Shining Inheritance ng GMA-7.

Ang mean nga ng ibang commenter, downgrade raw si Kyline sa ex ni Kobe na si Erica Portunak na anak ni Ina Raymundo. Wala rin daw panama si Kyline sa ganda at kaseksihan ni Erica.

Bumuwelta naman ang fans ni Kyline sa mga nang-down sa aktres. Downgrade rin daw si Kobe after Mavy dahil puno ng tattoo ang katawan ni Kobe. Pero, pareho raw guwapo ang dalawa.

Sharon, rumarampa sa Europe

Sinisipag mag-post si Sharon Cuneta na nasa Europe ngayon kasama ang bunso nila ni Kiko Pangilinan na si Miel. Sabi ni Sharon, “Bonding with my youngest girl before we bring her to college in NYC this year.”

Sa sumunod na post ni Sharon, makikitang may kasama na sila ni Miel sa Italy, mga kaibigan niya. May kasama rin sina Sharon at Miel na yaya na naging isyu pa sa nakibasa lang. Tinawag pang matapobre si Sharon dahil tinawag na yaya ang kanilang kasama na yaya naman talaga.

Hindi nagpaapekto si Sharon sa comment na ‘yun at tuloy ang pagba-vlog sa mga pinupuntahan nila ni Miel at ng kanyang mga kaibigan. Katuwa ang nabanggit ni Sharon na para lang sa Baclaran ang isang parte sa Napoli, Italy na kanilang pinuntahan.

Anyway, may mga naghintay ng comment ni Sharon sa pa-Mother’s Day vlog ni KC Concepcion, pero wala pang reaction si Mega. Focus siya ngayon kay Miel na malapit na ring hindi nila makapiling ni Kiko dahil mag-aaral sa New York.

Si Miguel na lang ang anak na maiiwan kina Sharon at Kiko dahil nag-aaral din sa New York si Frankie.

Heart, dimunog sa event ng anak

Present si Heart Evangelista nang manumpa ang asawang si Sen. Chiz Escudero bilang newly elected Senate President. Pati si Heart kinongratulate sa bagong posisyon ng kanyang asawa.

Ang pangako ni Chiz, gagawin ang kanyang best to do his job as the new ­Senate President.

Samantala, a few days ago, pinagkaguluhan si Heart nang samahan ang stepdaughter niyang si Chesi Escudero sa isa nitong event. Ayun, kita ang tuwa ng friends ni Chesi at mga present sa event na makasama at makapagpa-picture kay Heart.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with