^

PSN Palaro

Tinapos na ng NU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Tinapos na ng NU
Hinatawan ni Bella Belen ng NU si EM Banagua ng UST.
UAAP

Reyna ng UAAP Season 86 volley

MANILA, Philippines — Naibalik ng National University Lady Bulldogs ang korona sa kanilang bakuran matapos nilang walisin ang University of Santo Tomas Golden Tigresses, 25-23, 23-25, 27-25, 25-16 sa Game 2 ng kanilang best-of-three UAAP Season 86 women’s volleyball tournament finals na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City Kagabi.

Pinatunayan nina Bella Belen at Alyssa Jae Solomon ang kanilang tikas sa harap ng 22,515 nanood ng live, matapos nilang magtulungan upang akbayan ang NU na makuha ang pangalawang korona sa loob ng tatlong taon.

Pinamunuan ni Solomon ang opensa para sa Lady Bulldogs matapos magtala ng 27 points habang nag-ambag ng 19 at 13 puntos sina Belen at Evangeline Alinsug, ayon sa pagkakasunod.

Tumikada naman si Xyza Gula ng 18 markers pero hindi sapat upang ipanalo ang Tigresses.

Nasikwat ng 5-foot-7 na si Belen ang pangalawang MVP sa loob ng tatlong taon, una noong Season 84 kung saan ay nakagawa din siya ng history sa UAAP women’s volleyball.

Hinablot ng 21-anyos na si Belen ang Rookie-MVP sa Season 84 at siya ang kauna-unahang nakagawa sa nasabing liga.

Nakalikom si Belen ng 82.2 statistical points sapat upang mahablot ang pinakamataas na individual award, pang pito siya sa scoring sa liga sa itinalang 205 points, mula sa 179 attacks, 15 blocks at 11 service aces.

Samantala, sinakmal ng NU Bulldogs ang four-peat matapos nilang kalusin ang UST Golden Spikers, 25-21, 22-25, 25-17, 25-15 sa Game Two ng best-of-three men’s finals.

Nagtala si sophomore outside spiker Michaelo Buddin ng game-high 28 points mula sa 22 attacks, limang blocks at isang service kasama ang 16 excellent receptions sapat para itaguyod sa panalo ang Bulldogs.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with