^

Police Metro

Abot kayang dormitoryo, itatayo sa SUCs

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para maibsan ang gastusin ng mga estudyante at mga magulang, magtatayo ang pamahalaan ng abot kayang domitoryo sa limang state universities and colleges sa bansa.

Layon ng Project BALAY (Building Access to­ Learning­ for Students), na mapababa ang gastusin sa tirahan­ at makapagbigay ng ligtas na matutuluyan para sa mga estudyanteng nag aaral sa kolehiyo.

Ipatutupad ang programa sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Pag-IBIG Fund upang makapagbigay ng ligtas, madaling ma-access at abot-kayang matutuluyan, partikular sa mga estudyanteng malayo ang tirahan sa kanilang paaralan at nagmula sa mga pamilyang kapos sa buhay.

Kabilang sa mga bibigyang-prayoridad ang mga bene­pisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga katutubo (Indigenous Peoples), persons with special needs, mga anak ng solo parents, mga estudyanteng kapus-palad at mga unang miyembro ng kanilang pamilya na makapapasok sa kolehiyo (first-generation college students).

Ayon sa CHED, tinata­yang aabot sa P165.6 milyon ang halaga ng bawat planong dormitoryo kung saan sasagutin ng pamahalaan ang paunang 30 porsyento o 10 porsyento ng kabuuang halaga ng proyekto, habang popondohan sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund ang natitirang halaga.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with