^

Police Metro

Kaso ng leptospirosis, tumataas pa - DOH

Mer Layson - Pang-masa
Kaso ng leptospirosis, tumataas pa - DOH
Residents wade through floodwaters along Zapote Junction in Las Piñas on August 29, 2026.
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Patuloy umano ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng leptospirosis sa bansa dulot ng mga pagbahang hatid ng habagat nitong mga nakalipas na linggo.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Health Emergency Management Bureau Dr.Marc Steven Capungcol, hepe ng DOH Health Emergency Management Bureau na mula Agosto 2 hanggang 29 ay nakapagtala ang ahensiya ng 77% pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na dalawang linggo.

Mula Enero hanggang Agosto 29 naman, iniulat ng DOH Epidemiology Bureau na umabot na sa 6,253 ang leptospirosis cases na kanilang naitala sa buong bansa, kabilang ang 378 deaths.

Nilinaw naman ni Capungcol na ang naturang mga kaso ay 12% pa ring mas mababa kumpara sa mga kasong naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Nabatid na sa Metro Manila, nakapagtala na ang DOH ng nasa 1,961 kaso ng leptospirosis.

Ayon kay Capungcol, ang Maynila at Quezon City ay nakapagtala ng pinakamataas na cumulative number ng mga kaso, na sinundan ng Caloocan at Taguig.

Una na ring pinayuhan ng DOH ang publiko na umiwas sa paglusong sa baha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga, na naghahatid ng leptospirosis.

Pinaalalahanan din ang publiko na huwag mag-atubiling kumunsulta sa doktor kung makaramdam ng anumang sintomas ng leptospirosis, lalo na kung may kasa­ysayan nang pag­lusong sa baha, upang maagapan at malunasan ito.

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with