Heavy Bombers sumampa sa semis
MANILA, Philippines — Sinandalan ng Jose Rizal University ang naglalagablab na opensa ni Lawrence Mangubat para sibakin ang Arellano University 81-70, papasok sa Final Four ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
Tumikada si Mangubat ng 29 points, limang rebounds, tatlong steals at dalawang assists upang tulungan ang Heavy Bombers sa kanilang unang semifinals appearance matapos noong 2017.
“Dahil kay God kaya nakuha namin ito at makapasok sa Final Four,” sabi ni Mangubat sa JRU.
Mahigpit ang naging labanan ng Heavy Bombers at Chiefs kaya nagtabla sa 45-45 sa halftime.
Bagama’t parehong naging mainit ang opensa ng dalawang koponan mas naging determinado ang Heavy Bombers para makuha ang 64-59 bentahe sa pagtatapos ng third period.
Hindi na pinaporma ng Kalentong-based squad ang Chiefs sa fourth quarter.
Sa unang laro, swak din sa semis ang San Beda matapos talunin ang Perpetual Help, 73-71.
- Latest


















