^

Pang Movies

Pia, nakahanap ng katapat?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pia, nakahanap ng katapat?!
Pia Wurtzbach.
STAR/ File

At kung bonggang-bongga ang mga pagrampa ni Heart, iba naman ang intriga kay Pia Wurtzbach.

Kinumpirma ng isang source ang kumakalat sa Reddit na diumano’y may na-violate na protocol si Pia sa isang event sa Singapore.

At ito diumano ang rason kung bakit hindi na invited ang former Miss Universe ng ibang mga brand sa katatapos na Paris Fashion Week, Milan Fashion Week and New York Fashion Week.

Naganap diumano ang breach of protocol sa Bvlgari High Jewelry fashion show na ginanap sa Singapore last June ayon sa source.

May pangalan na nabanggit sa Reedit  – isang socialite at maraming charity project.

Nag-oorganize rin daw ito ng mga high profile gala.

Naging mainit na isyu sa mga online observer at fan page ang diumano’y setup ng mga upuan sa front row sa nasabing event kung saan nagkaroon nga ng intriga na sa madaling salita ay agawan ng seat sa pagitan ng isang kilalang socialite at ng isang dating Miss Universe.

Na siyempre ay mabilis na na-identify.

Dahil dito, sinasabing ginamit ng grupo ng nasabing socialite ang kanilang ‘power’ upang diumano’y harangan ang pagpapadala ng mga imbitasyon sa Filipina influencer para sa mga naganap na European fashion week.

As in miyembro raw kasi ng ‘Crazy Rich Asians,’ ang nasabing madam kaya kasalanan na maagawan mo ito ng seat lalo na nga raw at buyer ito ng mga luxury brand sa Europe.

Awss. Ang sad nito kung totoo.

Marami kasing nakapansin na sa iisang brand lang dumalo si Pia sa mga nakaraang fashion week.

Si Pia ay local ambassador ng Bvlgari, pero hindi na siya nag-iisa dahil brand ambassador na rin nito sa Pilipinas si Marian Rivera.

Kaya naman madalas na rin si Marian na nagpi-pictorial para sa nasabing luxury brand.

But anyway, parang hindi naman apektado ng mga kontrobersiya ang dating beauty queen dahil ang sabi ay nagbabalak na raw itong magkaanak at asawa niyang si Jeremy Jauncey.

Pero ‘yun nga, ang bottomline ay iniisyuhan pa rin siya ng pag-epal sa front-row seat na hindi sa kanya.

Heart, humataw ng $9.8 million sa MFW

Ngayong linggo ang unang araw ng Heart Evangelista and Friends Closet Party, Oct. 18 and 19, 2026, 9:30 a.m. to 6:00 p.m.

Mas malaki ang venue, Metrowalk Tent, Meralco Ave., Pasig.

Noong nakaraan niyang closet party ay may queueing ang pagpasok dahil sa rami ng fans na gustong makauna sa pagbili ng mga item ni Heart, kanyang team at personal friends.

Marami silang ibinebenta na luxury items na bagsak-presyo kaya ‘pag nakabili ka, jackpot na.

Anyway, isa na naman sa Top Celebrity Voice ang proud Filipino global style icon sa pinakahuling Milan Fashion Week (MFW).

Malaki nga ulit ang ambag ni Heart sa kabuuang $528.3 million na Media Impact Value® (MIV®) na na-generate ng MFW Spring/Summer 2027 na ginanap nitong Sept. 22 to 28 sa Italy.

Ayon sa Launchmetrics, si Heart ay nakapagtala ng $9.8 million na MIV sa MFW this season. Ito ay matapos siyang mag-No. 1 Celebrity Voice sa pinakahuling New York Fashion Week (NYFW) sa Amerika.

Indeed, ang Pinay actress-artist-entrepreneur – living as Love Marie – ay may solid and consistent following and influence sa larangan ng fashion sa buong mundo.

Ang Launchmetrics ay isang Brand Performance Cloud na nag-uugnay sa estratehiya at pagsasakatuparan ng bawat kaganapan sa fashion industry.

May limang kategorya ng “Voices” na sinusubaybayan ang Launchmetrics: Celebrities, Traditional Media, Influencers, Partners at Owned Media.

Ipinapakita sa kanilang ginagawang pagsunod at pag-analyze kung paano nakakaimpluwensya ang bawat isa sa mga kaganapan sa New York at Milan fashion weeks, kasama ang kumpletong listahan ng nangungunang limang brand. Si Heart ay kabilang sa kategorya ng Celebrities, Influencers at Partners.

Kung sabagay isa naman talaga siya sa nagbukas ng pintuan sa maraming Asian fashion influencers upang bigyan sila ng importansiya sa global fashion stage na dati-rati ay dominated lamang ng Europeans at Americans.

Sa huling MFW, ang Thai actress na si Faye Peraya ang nangunang Celebrity Voice dahil siya ay lumikha ng $30 million na MIV, ayon sa Launchmetrics.

Ikinatuwa umano ito ni Heart sapagkat gustung-gusto niyang kinikilala ang Asian talents sa international fashion scene.

Kaya nga makikita sa kanyang mga post na pati mga designer na Asyano ay hindi siya nagdadamot. Lagi niyang ipinagmamalaki ang mga designer na nagdadala ng kanilang sariling mga boses at kwento tuwing dadalo sa fashion weeks sa iba’t ibang bansa.                                               

Pagkatapos ng MFW ay dumiretso siya sa Paris Fashion Week kung saan ay nag-pictorial naman siya sa Paris Peninsula para sa isang cover ng international magazine.

At base sa bilang ng kanyang followers, 19 brands ang nairampa ni Heart doon.

Kabilang din sa highlights ng pagdalo niya sa pinakahuling PFW ang partisipasyon sa Business of Fashion (BoF) na isang global media and intelligence company para sa fashion, beauty and luxury industries.

Bumiyahe rin siya Japan para sa isang brand na kanyang inendorso na natulungang makilala sa mas malaking market hanggang Europe.

Ahhh, walang kapaguran na tiyak present siya ngayong araw sa unang araw closet party niya at ng kanyang mga kaibigan.

Actress, nabudol ng karelasyong scammer

Ay wala ring suwerte ang isang actress na first time nagkaroon ng karelasyon.

Ang usap-usapan ngayon ay scammer diumano ang naging boyfriend nito.

As in ang dami raw nitong utang sa ilang taga-showbiz.

Duda nga nila, baka nga raw nagkautang pa ito sa nasabing actress na karelasyon.

Actually, may mga nag-a-advise na raw sa actress na makipag-split na ito sa nasabing lalaki pero as of this writing ay sila pa rin daw ng actress.

Xyriel, Karina, Kaori at Elyson, itatampok ang mga nakasisindak na kwento!

Mga totoong kwentong puno ng sindak at kababalaghan ang isasabuhay nina Xyriel Manabat, Karina Bautista, Kaori Oinuma at Elyson de Dios sa bagong iWant limited horror serye na True Manila Encounters na ipalalabas exclusively sa streaming platform simula Oktubre 29 (Huwebes).

Mula sa award-winning production company na CreaZion Studios, tampok sa bagong horror original ang mga nakasisindak na pagsasadula sa mga totoong engkwentro na nasaksihan sa Metro Manila. Mula sa ilang isinumiteng entry, dalawang kwento ng kababalaghan ang isasabuhay ng serye.

Isa sa kwentong maghahasik ng lagim ay ang Undressed episode na pagbibidahan nina Xyriel at Karina. Sa direksyon ni Rae Red, haharapin dito ni Pearl (Karina) ang isang mapanghimagsik na kaluluwang namamalagi sa isang bestida na galing sa ukayan, na siya namang pagmamay-ari ng kaopisinang si Mei-Mei (Xyriel). Sa tulong ng kanyang third eye, pipigilan ni Pearl ang walang habas na pananakot ng kaluluwa nito para sa kanilang katahimikan.

Susundan naman ito ng Occupant episode nina Kaori at Elyson, sa direksyon naman ni Dodo Dayao. Tampok dito ang nakababahalang presensyang pilit sisira sa long-distance relationship nina Ana (Kaori) at Jam (Elyson). Matapos ang iilang aparisyon na nakuhanan sa kanilang video call, tila masisiraan ng bait si Ana sa kanilang nasaksihan habang susubukan naman ni Jam na iligtas ang kanilang pag-iibigan mula sa misteryosong nilalang.

Humanda sa katatakutang hatid ng True Manila Encounters, na mapapanood ang Undressed episode sa Oktubre 29, at Nobyembre 5 naman para sa Occupant episode nito sa pamamagitan ng iWant subscription plan sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.

PIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with