Claudine, isinugod sa hospital!

Naospital na naman si Claudine Barretto at kahapon, sa Instagram (IG) account nito, naka-post ang reels video na nakasuot siya ng St. Luke’s Hospital gown.
Makikita ring she was wheeled to her hospital room at ang isa pang reels, makikitang kasama niya ang brother na si Joaquin Barretto, ang pinsan na si Erika Barretto at ang anak na si Noah.
Hindi binanggit ni Claudine kung ano ang sakit niya. Sa pagtsitsek namin sa IG niya, tila ngayong taon, hindi siya madalas naoospital. The past years, ang dalas niyang maospital.
Kabilang sina Janno Gibbs at Dennis Padilla sa mga nagpaabot ng mensahe para sa mabilis na paggaling ni Claudine. Napapansin ng fans, tuwing nagkakasakit ang aktres, hindi nakakalimutan ni Dennis na mag-wish ng paggaling ng ex-sister-in-law niya. Hindi natigil ang friendship ng dalawa kahit matagal nang hiwalay sina Dennis at Marjorie Barretto.
May nagpayo kay Claudine, sana raw hindi na niya i-post ang update kapag naoospital siya dahil nagiging isa ‘yun sa mga paraan para ma-bash siya.
Jasmine, mananakot!
Balik-TV5 si Jasmine Curtis-Smith sa pamamagitan ng afternoon series niya na Jasmine at magsisimula ang airing nito sa Oct.19, 2026, 5:30 p.m. Kasama ang series sa TV5 Hapon Champion campaign ng network. Kakaiba ang concept ng series dahil nakasulat ang “Reality and Fiction are Blurred In This Love Mystery Drama.” Pati tagline ng series, kakaiba dahil ang sabi, “Real Actress. Real TV Show. Real Fear.”
Pati ang pubmat o publicity material ng show, may pagka-horror din dahil may katabi si Jasmine na parang multo.
Hindi lang ito ang project ni Jasmine, may rom-com movie rin siya, titled We Could Be In Love, kapareha si Yao. Tungkol ito sa romance ng Filipino-American woman (Jasmine) at Chinese-Filipino heir (Yao) at iikot sa magiging relasyon ng mga karakter nina Jasmine at Yao. Kukunan ang movie sa New York at Manila and directed by Fil-Am director Marie Jamora.
Heart, tinupad ang pangako kay Caprice!
Natupad ang nabanggit ni Heart Evangelista na makasama si Caprice Cayetano sa project dahil kasama sila ni Heath Jornales sa comeback movie nina Heart at John Prats.
Sa ni-release na teaser video ng Cornerstone Studios na producer ng JoHeart movie, may photos ng dalawang Kapuso stars. Patikim lang ito pero ayun nagkagulo na ang CapHeath fans.
Gusto na agad malaman ng fans kung ano ang story ng movie nina Heart at John at kung ano ang magiging role nina Caprice at Heath.
Si John din pala ang director ng still untitled film, si Direk Irene Villamor ang Creative Producer, si Jeffrey Vadillo ng Cornerstone Studios ang Executive Producer.
Next year ang target date ng playdate ng movie at isa pang wish ng fans, sana raw maging Valentine’s Day offering ito lalo at parehong Feb. 14, ang birthday nina Heart at John.
Anyway, si Caprice ay nasa cast din ng 2026 MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Amir. Siya ay si Soraya na sa pangalan pa lang, alam na agad na Muslim ang kanyang karakter
- Latest























