Eala pinuri ni Nadal
MANILA, Philippines — Nakakuha ng papuri si Alex Eala mula kay Grand Slam champion Rafael Nadal dahil na rin sa husay at galing nito sa loob at labas ng court.
Hindi madalas nakikita si Nadal na nanonood ng personal sa mga laro ni Eala. Ngunit nakasubaybay ito sa mga laban ng Pinay netter.
Iskolar si Eala ng Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain.
Ang Rafa Nadal Academy din ang nagdadala ng mga coaches at trainers ni Eala sa mga laban nito sa WTA Tour.
Kaya naman madaling nakukuha ni Nadal ang mga reports sa bawat laro ng Pinay player.
Sa mahigit isang taon nito sa WTA Tour, bumilib si Nadal sa kakayahan ni Eala.
Kaya nitong makipagsabayan sa mga world-class tennis players na nakita na ng lahat sa mga nakalipas na laban nito.
Ilan lamang sa mga popular na panalo ni Eala ay laban kay 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland at ngayon ay kay world No. 1 Elena Rybakina ng Kazakhstan.
Naniniwala si Nadal na malayo pa ang mararating ni Eala dahil inaasahang mas tataas pa ang lebel ng laro nito sa mga susunod na taon.
“She still has plenty of room to grow. One of her greatest strengths is precisely her ability to listen, learn and keep improving,” ani Nadal.
Hanga rin si Nadal sa magandang character ni Eala sa loob at labas ng court.
Madali itong turuan at mabilis sumunod sa mga instructions na bagay na mas magpapalakas sa kanya sa mga susunod na panahon.
Pansin na pansin din ni Nadal ang magandang pag-aasal ni Eala partikular na ang pagiging humble sa kabila ng kaliwa’t kanang panalo na nakakamit nito.
“More importantly, Alex remains a wonderful person warm, approachable and humble,” ani Nadal.
- Latest















