^

PSN Showbiz

Back to Back Celebration ni Diane Medina

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Muling nagsama-sama ang mga content creators, online live sellers and affiliates sa taunang Shopee Creators’ Night noong Huwebes sa The Fifth Powerplant.

Dito binibigyang parangal ang mga pumaldo sa nagdaang taon pagdating sa live selling. (may pagpaldo ha!)

First time kong umattend nito bilang, may isang taon palang ako sa pagiging online shopping host. (na tuloy-tuloy lang ang pagbebenta ha!)

Si Ms. Kris Aquino ang isa sa highlight ng event na binigyan ng special award bilang tinaguriang Queen of all Shopee.

Hindi sya nakarating kaya ang anak nyang si Bimby ang tumanggap ng parangal. (may award din ang Bimby ha!) Big winner si James Afante (na lagpas-lagpas sa quota ang mga benta!)

Congratulations sa team naming Project One Studios at sa kasama naming si Kayla Heredia na napasama sa listahan ng top multi channel networks at creators (may contribution ako dyan ha!)

Congratulations din sa mga kasamahan sa showbiz na nasa listahan tulad nina Ryle Tan, Sherylyn Reyes, Zara Lopez, Rayver Cruz at ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina. (madame na madame ang ate mo!)

Nagsimula si Dianne bilang simpleng online seller, naging talent host ng ilang agencies hanggang sa ngayon ay mayroon na syang sariling agency, ang DM studios kung saan isinasagawa ang mga live selling events ng sari-saring brands. (CEO na online host/seller si madame!)

Humakot din ng awards sina Dianne, Rodjun at Rayver sa awards night. (sila na ang Pamilya Paldo!)

Pagdating naman ng Sabado, nagpaandar si Diane para sa kanyang 40th birthday party sa Crowne Plaza Ortigas. (Dianne Medina at 40!)

Tatlong Grand Ballroom ang ginamit na pinuno ng mga food carts and souvenir stalls. (daming sponsors!) Kami ni Betong ang Red Carpet Hosts. (oo parang awards night!) habang si Rico Robles ang main host sa loob ng venue.

Performers sina Frenchie Dy, Christian Bautista, Erik Santos (na pinakanta on the spot sina Rodjun at Rayver) at si Julie Ann San Jose. (syempre nandun si Rayver!) May pa-raffle din para sa mga guests. (cash ha!)

Dinagsa ng mga kaibigan niyang celebrities ang party, bilang naikot na ni Dianne ang lahat ng tv networks.

Nagkaroon ng parang mini-reunion kaming mga naging talents ng TV5 (nakasama naming sina Dianne at Rodjun dyan!) tulad nina Rainier Castillo, Joseph Bitangcol, EA De Guzman, Shaira Diaz, Princess Ryan, Lucky Mercado at IC Mendoza. (parang tiyahin na nila ako!)

Maraming celebrities ang nagbigay ng mensahe ng pasasalamat kay Dianne lalo na ‘yung mga nabibigyan nya ng trabaho sa kanyang agency at sa mga live selling events nya. (hindi nakakalimot si madame sa mga nakatrabaho nya noon!) Happy Birthday, Ms. Dianne! (oo dapat may Ms.!!!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

CONTENT CREATORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with