^

PSN Showbiz

Boobsie, inalala ang huling sandali ni Ate Gay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Boobsie, inalala ang huling sandali ni Ate Gay
Ate Gay at Boobsie

Masayang inalala ng komedyanteng si Boobsie ang mga huling sandali na nakasama si Ate Gay. Pumanaw ang kaibigan ni Boobsie dahil na-stroke noong Nov. 1.

Kamakailan ay pumunta si Boobsie sa Tondo upang lihim na kapanayamin ang mga mahal sa buhay ni Ate Gay. Naabutan ni Boobsie ang kaibigang nahihirapang huminga kahit may hose naman na nakalagay sa ilong nito. “Pagpunta ko sa pamilya niya, hindi ko ini-expect na nando’n siya. Pagpasok ko ng bahay nila, sabi ng kapatid niya, ‘Ma’am Boobsie, diretso na po kayo sa taas.’ ‘Bakit po ako pupunta sa taas?’ ‘Nando’n po si Ate Gay.’ ‘Huh?’

“So nagulat ako, so nawala na sa focus ko ‘yung pag-i-interview sa kanila. Pagpunta ko sa taas, naka-oxygen siya. Sabi ko, ‘Ate Gay, anong nangyari sa iyo, bakit ka nagkaganyan?’ Sabi, ‘Kahapon pa ‘ko hindi makahinga.’ Nahihirapan daw siyang magsalita. Tapos kuwentuhan kami, kuwentuhan. Napansin ko ‘yung tangke (ng oxygen). Sabi ko, ‘Paano ka hindi makakahinga, hindi naman nakabukas.’ Opo, nakakatawa talaga ‘yung pagtatagpo namin na ‘yon. Sabi ko, ‘Ate Gay, binubuksan ang tangke, kumukulu-kulo ‘yung gano’n,’” natatawang kwento ni Boobsie sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Tawang-tawa rin umano ang pumanaw na kaibigan nang matuklasang hindi nakabukas ang oxygen tank noon. “Umaga pa raw siya nakaratay nang gano’n. Tapos dumating kami alas-singko. Ibig sabihin mula umaga hanggang alas-singko ng hapon nagtitiis siya nang gano’n. Sabi niya, ‘Boobsie, mabuti na lang dumating kayong mag-asawa.’ Napamura nga siya eh. Sabi ko, ‘Daddy, buksan mo nga ‘yung tangke.’ Pagkabukas ng tangke, di kumulu-kulong ganyan. ‘Ah, ayun pala.’ Akala ko nagpapatawa siya, pero totoo pala, Tito Boy. Sabi niya, ‘Hirap na hirap na ako, mabuti pala dumating kayo.’ Kung hindi talagang hanggang bukas pa,” masayang pagbabalik-tanaw ng komedyana.

Matatandaang na-diagnose si Ate Gay ng Stage 4 cancer dahil sa bukol nito sa leeg noong September 2025. Napahanga umano si Boobsie sa kaibigan nang unang nabalitaan ang kondisyon nito. “Sinabihan ka ng doktor, tinaningan na hindi ka na aabot ng 2026. Malamang kung iba, bumigay na. Pero si Ate Gay, hindi mo siya makikitaan ng sakit. Kumbaga, inaano niya sa amin, ‘Bukol lang ‘to, mawawala. Iba ‘yung angel ko eh.’ Kasi sa radiation na nangyari sa kanya, patuloy siyang nagiging malakas. Ayaw niya makitaan kami ng panghihina o kaawaan siya,” paglalahad niya.

Ginanap ang “living funeral’ para kay Ate Gay noong isang buwan. Dinaluhan ito ng mga kapamilya at mga kaibigan ng komedyante.

Talagang naramdaman umano ni Boobsie na naging masaya si Ate Gay sa nangyari. “Ako, ayoko talaga, kasi ‘di ba kapag sinabing tribute, sa patay. Sabi ko, ‘Bakit, patay na po ba si Ate Gay?’ ‘Ay! Hindi po,’ sa kanya nga first ever na ilulunsad ‘to dahil may taning na nga po. Ang concept po talaga ng Forest Lake is Christmas lighting, ‘Himala ng Pasko’ dahil nga po si Ate Gay ang nakatanggap ng himala last 2025. Masaya po siya, kasi napi-feel niya, buhay pa siya, naririnig niya ‘yung mga taong natulungan niya, nagpapasalamat sa kanya. Maganda po ‘yung setup, concept,” paliwanag ni Boobsie. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with