Maria Clara, uulit sa ere

Simula Agosto 3, magkakaroon ng pagbabago ang GMA Afternoon Prime, mas maaga na ang timeslot ng Fast Talk with Boy Abunda kasabay ng pagbabalik ng groundbreaking series, ang Maria Clara at Ibarra.
Ang inaabangang talk show hosted by King of Talk Boy Abunda, ay lilipat sa mas maagang timeslot sa ganap na 4:05 p.m. sa GMA 7.
Laging may pasabog ang mga episode ni Tito Boy tuwing hapon ganundin ng mga totoong drama at kwento mula mismo sa mga kilalang tao at personalidad.
Samantala, ang historical fantasy drama na Maria Clara at Ibarra na unang ipinalabas sa GMA Prime noong 2022 dahil sa inspirasyon ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal, ay pinangungunahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo.
Sinusundan nito ang kwento ni Klay (Barbie), isang estudyante ng nursing mula sa Gen Z na bumagsak sa kanyang klase sa Rizal Studies, na itinuturing niyang hindi mahalaga. Binigyan siya ng kanyang propesor ng pagkakataong makapasa at pinahiram siya ng kopya ng Noli Me Tangere. Kahit papaano ay nadala si Klay sa mundo ng mga nobela ni Rizal at natututo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas mismo.
Muling balikan ang Maria Clara at Ibarra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:30 p.m. sa GMA 7.
Nauna nang ini-replay ng GMA ang First Yaya na in all fairness daw ay nagre-rate. At malaking bagay raw ito dahil wala nang production cost.
- Latest























