InnerVoices at Parokya, nasabik mag-perform!

Parang gutom sa performance ang bandang InnerVoices at Parokya ni Edgar nang back-to-back namin silang napanood sa Hard Rock Cafe Manila last weekend.
Nagkaroon ng short break ang InnerVoices na pinangungunahan ni Atty. Rey Bergado habang matagal namang hindi nagkakaroon ng gig ang Parokya Ni Edgar sa major music circle.
Kaya’t nung nag-perform sila, bigay na bigay.
Ayon kay Atty. Rey, kailangan lang nila ng oras para lang sa ilang bagay.
Pero aniya nagkikita-kita naman silang lahat ng miyembro ng bandang InnerVoices from time to time at ito nga nagso-show sila kapag may nagre-request.
Hindi raw mabubuwag ang InnerVoices, in fact, may mga ilalabas daw silang mga bagong kanta.
Maging ang Parokya ni Edgar ay nakita naming parang nasabik mag-perform.
In his element si Chito Miranda habang pinagbibigyan ang request ng nasa audience.
Pero ang nakakatawa sa kanya, ‘pag may nagvi-video, magda-dialogue siya ng ‘wag video, picture na lang.’
Twelve years ago nang humingi ng tulong si Chito sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation upang matunton kung sino man ang nag-upload ng sex video nila ng misis niya na ngayong si Neri Naig. Sinabi niya sa mga imbestigador noon na ninakaw raw ang hard drive ng computer niya kung saan ito nakaimbak.
Grabe ang naging epekto noon dahil kasikatan nila that time.
Pero hindi na-gets ng ibang nasa Hard Rock ang nasabing joke ni Chito.
Anyway, sa totoo lang nakaka-miss ding manood ng mga live gig ng mga local band.
Hindi ‘yung pulos sa video na lang.
Iba ang energy at nakakaaliw na nakikikanta ka sa kanila.
- Latest





















