^

PSN Showbiz

Rabiya, mataas ang ambisyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rabiya, mataas ang ambisyon
Rabiya Mateo.
STAR/ File

Kahit bago pa lamang ang relasyon nina Jake Cuenca at ng dating beauty queen-turned actress-host na si Rabiya Mateo, 2020 Miss Universe Philippines, agad nagpakita ng suporta ang mahusay na Kapamilya actor sa kanyang bagong nobya sa ambisyon nito na maging isang ganap na doctor.

Bago sumali sa beauty pageant si Rabiya ay nagtapos itong cum laude ng Bachelor of Science in Physical Therapy Program sa Iloilo Doctor’s College in Iloilo City. After graduation ay sandali siyang nagtrabaho sa Maynila sa isang review center bilang lecturer at review coordinator.

Sa kabila ng kanyang naging working experience both in private and in showbiz ay hindi nawala kay Rabiya ang kanyang pangarap na maging isang doctor tulad ng kanyang estranged father na naka-base sa Amerika na tumalikod sa kanya at sa kanyang ina. Sa kabila nito ay gusto pa rin niyang mag-reach out sa kanyang ama at magkaroon sila ng relasyon tulad ng ibang mag-ama.

Luckily for Rabiya, pumasa siya sa admission ng University of Santo Tomas para sa UST Fa­culty of Medicine and Surgery last March, isang indikasyon ng kanyang (pansamantalang) pagtalikod sa kanyang showbiz career.

Sophie, malakas ang dugong artista

Sa henerasyon ngayon ng mga kabataan, bibihira na ang nakakakilala sa kaisa-isang anak ng dating Sampaguita star na si Paraluman na si Baby O’Brien, ina ng singer-actress na si Rina Reyes at grandmother ng Kapamilya young talent na si Sophie Reyes.

Tulad ng kanyang namayapang mom na si Paraluman, gumawa rin ng sariling pangalan si Baby O’Brien nung dekada sisenta kung kapanahunan ng dance program na Dance O’Rama sa lumang Channel 5 kung saan silang dalawa ng yumaong si Pete Roa (1st husband ng veteran actress na si Boots Anson-Roa) ang hosts.

Dance O’Rama had students from different colleges and universities as contestants and participants with guest celebrities.

Aminado si Baby na pareho umanong kaliwa ang kanyang mga paa at hindi talaga siya dancer pero nagtiyaga umano si Pete na turuan siyang sumayaw dahil mahusay na dancer at choreographer ang namayapang mister ni Boots.

Ayon kay Baby, naging playground umano niya ang malawak na compound ng Sampaguita Pictures kung saan nakakontrata noon ang kanyang mom na si Paraluman. Nagkakilala na umano sila noon ni Boots na anak naman ng yumaong si Oscar Moreno habang naging playmate naman ni Baby ang yumaong si Ike Lozada sa bakuran ng Sampaguita.

Growing up ay nasanay umano siyang pinagkakaguluhan ang kanyang mom na si Paraluman na sobrang sikat noon.

Past forward, ang panganay sa dalawang anak na babae ni Baby na si Rina Reyes ang siyang sumunod sa mga yapak nina Paraluman at Baby hanggang sa kanilang ikaapat na henerasyon na si Sophie Reyes na build-up talent naman ng ABS-CBN.

Hilda, nakiramay sa dating ka-loveteam

Nagpaabot ng kanyang pakikiramay ang L.A.-based veteran actress na si Hilda Koronel sa pamilya ng kanyang dating ka-loveteam at kapareha na si Ed Finlan (Eduardo Valdez in real life) sa pelikulang Haydee (1970) sa bakuran ng Lea Productions kung saan sila parehong nakakontrata nung early part ng kanilang respective careers.

Si Ed ay pumanaw nung nakaraang May 13, 2026.

Bukod sa pelikulang Haydee, si Ed ay nakagawa pa ng ibang pelikula tulad ng Trahe de Trahedya nung 1972, The Superstar (1971), Si Waray at ang Talyada, Baby V. (1979), Happy Hippie Holiday (1970, Boom! Bang A-Bang!, Stop, Look, Listen at Banda 24 nung 1969.

Magkakasama noon sa Lea Productions sina Hilda, Ed, Walter Navarro at Jay Ilagan na siyang unang napangasawa ng award-winning actress na si Hilda.

RABIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with