^

PSN Showbiz

Gerald Santos, nahirapan sa Emilio Jacinto; Alden, pumayag na rizal

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald Santos, nahirapan sa Emilio Jacinto; Alden, pumayag na rizal
Alden Richards at Gerald Santos

Sa Lunes, Oct. 12, na ang announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga pelikulang kukumpleto sa #MMFF52 official entries.

Second Batch of official film entries ang apat na pelikulang dagdag na finished film category.

Gaganapin ang announcement sa Grand Atrium, Level 2, Main Wing, Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Hosted by Enchong Dee and Jervi “KaladKaren” Wrightson! Magkakaroon din performances sa ibang celebrity guests!

At ang isa sa umaasang makakasama sa apat na karagdagagang entries ay ang pelikulang Liwanag at Dilim (Heneral Emilio Jacinto) ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and Printstar Film Productions.

Starring sa movie ang singer/actor Gerald Santos under Rommel Ramilo.

“Syempre we’re hoping na makapasok kami sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para mas malawak iyong audience na ma-reach namin. Mas maraming makanood na mga tao, especially iyong ating mga kabataan. Napakarami pong aral na matututunan nila sa buhay ni Gat Emilio Jacinto,” banggit ni Gerald sa ilang kausap na writer sa ginanap na announcement nito sa MMFF Secretariat Office ng MMDA kamakailan.

Banggit naman ni Atty. Topacio: “They  took a chance in such a project na alam nilang maaaring hindi ganun ka-commercially viable but nonetheless nandito sila. Kumbaga, itong mga nakipagsapalaran, they put their money where their mouth is.”

At ang lakas ng suporta ng pelikula dahil kasama rin si Alden Richards bilang si Rizal, ganundin sina Alexa Miro, Sid Lucero, Aicelle Santos, Mercedes Cabral, Ima Castro, Alex Medina, Isay Alvarez, Robert Seña, Aljur Abrenica, Jason Gainza, Pekto Diaz, Jon Achaval, Kuya Manzano, Prof. Xiao Chua, Johnny Morris, Angel Aquino at iba pa.

Ayon kay Gerald, isang mabigat na drama ang pelikulang ito.

“Ang pakiramdam ko ngayon, excited and kinakabahan, syempre. But we’re hoping na makapasok itong movie namin. And thank you, Atty. Topacio, for accompanying us here at salamat po sa support.”

Sumagot naman ang kontrobersyal na abogado: “Oo naman, basta, for the Filipino film industry, nandiyan ako. Kasi naniniwala tayo na dapat iangat kasi nagiging formulating na. Iyun at iyon na lang ang entry sa Metro Manila Film Festival.

“Nakakasawa na. Kaya kung napapansin ninyo, sumasadsad na ang viewership, ‘yung attendance sa Metro Manila Film Festival. So dapat itaas natin ang antas. Festival ito eh. Dapat, festival, fiesta ‘yan eh. Syempre sa festival ang ihahain mo ‘yung pinakamasarap na pagkain. Dito hindi ka maghahain ng adobong kangkong dyan. O kaya dilis, ‘di ba? Kailangan ‘yung masasarap.”

Natapos na raw nila ‘yung pelikula last August pa.

Mahirap ba na mag-portray ng isang bayani o kinikilala sa history, tanong kay Gerald?

“Mahirap. Particularly kasi sa movie na ito, ‘yung script kasi medyo may pagka-heavy drama siya. So, mahirap siya sa... Acting-wise, demanding siya. Emotionally, physically din kasi may mga war scene kami ginawa. Napaka-challenging pero sobrang fulfilling nung matapos namin kasi ang ganda ng kinalabasan.”

Kamusta ang natutunan mo sa pagpo-portray sa character?

“Iyong about sa pagiging makabayan talaga. Iyong prinsipyo, iyong ipag­lalaban mo ‘yung prinsipyo mo. Sharing ‘yung God-given, talento mo, ‘yung gift mo.

“Kasi si Gat Emilio Jacinto, napakatalino niya. And kahit na maraming mga forces noon na pumipigil, maraming mga hadlang, hindi siya nagpadaig doon. Talagang ginusto niyang i-share ‘yung kanyang katalinuhan.

“Ginawa niya ‘yung Kartilya ng Katipunan, ang dami niyang mga essay na ginawa, ‘yung Kalayaan, Liwanag at Dilim, kung saan namin kinuha ‘yung title ng movie.

“Napakatalino ni Gat Emilio Jacinto. And despite nung kahirapan and nung mga challenges noon time na iyon, hindi siya napigilan na i-share ‘yun.

Hanggang natanong siya, dahil ‘yung kay Jericho Rosales nang gampanan niya ang buhay ni Quezon, may nagalit na family member.

Dito kaya may kinonsulta sila na miyembro ng pamilya Jacinto?

“Yes. Thankful kami kasi we have historian Xiao Chua, Prof. Xiao Chua on our side. Actually, partner siya ng movie. Kaya napakalaki ng consultancy na nakuha namin sa kanya. Actually, iyong mga descendants ni Gat Emilio Jacinto, may mga in-impart din silang info sa amin.”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with