^

PSN Showbiz

Ice, ‘di kinaya ang pulitika

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ice, ‘di kinaya ang pulitika
Ice Seguerra.
STAR/ File

Mainit na pinag-uusapan ng mga mamamayang Pilipino ang kaguluhan sa Senado ngayon. Para kay Ice Seguerra ay wala halos ipinagbago sa gobyerno noon at ngayon.

Matatandaang nanilbihan ang singer-songwriter bilang chairperson ng National Youth Commission sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2016. “Talagang makikita mo, Tito Boy eh. What’s happening right now is not new eh, not just here but everywhere else. I think all of these bad things are happening because like ako, when I came to the NYC, I was very idealistic in terms of public service. That’s the only reason why I wanted to be part of NYC. I really wanted to serve, regardless of political color ha. Kasi ‘di ba ‘yon ‘yung trabaho ko eh. ‘Di ba, ‘pag pumasok ka sa gobyerno, dapat pagserbisyuhan mo ang lahat, especially ako, ‘yung people ang constituency ko noon,” paglalahad sa amin ni Ice sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nagbitiw sa posisyon ang singer-songwriter noong 2018 dahil hindi na umano matiis ang kaguluhan sa pulitika. “Hindi ko kinaya, I had to resign. Number one, my mental health was greatly affected. Kasi I really thought I’d be able to serve but mahirap magserbisyo ‘pag napapaligiran ka ng politics. And I think ngayon unfortunately and matagal na, instead of public service, mas politics ang nangyayari sa paligid natin. Hindi ka makagawa ng isang bagay kasi may pulitikong hahadlang sa ‘yo na taliwas or whatever belief niya. Sana nga belief eh,” pagtatapat niya.

Naisulat ni Ice ang kantang Lupang Pinangako mahigit 10 taon na ang nakalilipas. Ibinuhos umano ng singer-songwriter noon sa paglikha ng awitin ang kanyang nararamdaman tungkol sa Pilipinas. “Nakakatawang isipin, that was written more than 10 years ago. Parang walang pinagbago. Kung ano ‘yung nag-inspire sa akin, the frustrations I felt kaya ko nasulat ‘yon, parang, ‘Dude, gano’n pa rin?’ Music is not just about entertainment. I think music, ito din ‘yung paraan na masasabi natin ‘yung nararamdaman natin. Kasi ‘di ba ang music, tama sa puso diretso ‘yan eh. And I think ‘yon ‘yun. Sa panahon ngayon, lalabas din ‘yung mga nararamdaman nating mga Filipino through these songs,” pagbabahagi ng singer-composer.

Samantala, taong 2020 nang pumanaw ang ama ni Ice na si Daddy Dick. Noong isang taon naman namatay ang ina ng singer-songwriter na si Mommy Caring. Bilang nag-iisang anak ay talagang nangungulila si Ice sa kanyang mga magulang. Kapag nakararanas ng kalungkutan ay ibinubuhos na lamang din sa pagkanta ni Ice ang kanyang emosyon. “I’m very stoic talaga especially when I’m feeling so many things. Mahirap ako mag-release (ng emotions) eh. Through music, I remember when my mom passed away through songs na alam kong favorite niya. Doon ako naiiyak,” pagtatapos ng dating child star.  (Reports from JCC)

ICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with