KC, ‘pinatawad’ na si Sen. Kiko?!

Dinagsa ng ‘puso’ ang pagbati ni KC Concepcion ng happy anniversary sa kanyang mommy at daddy – Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan.
Andaming isyu-isyu na diumano’y matagal nang hindi nag-uusap sina KC at ang stepdad niyang si Sen. Kiko.
Kumalat noon na na-misinterpret diumano ni KC ang ‘concern’ ni Sen. Kiko tungkol sa isang ex ng panganay ni Ate Shawie. Split na si KC at ang sinasabing naging rason ng misunderstanding nila ng kanyang daddy Kiko.
Pagbati ni KC: “Happy anniversary, KiWie. 30 years deserves an award, well earned! Thank you for all the love, the lessons, and for always doing your best for each other all these years. Mom and Dad, with all my love @reallysharoncuneta @kiko.pangilinan.”
Luma ang litratong ginamit ni KC kaya hoping ang followers nilang magkakaroon na sila ng latest pictorial na mag-anak.
- Latest





















