Matet, tuloy ang banat sa mana!

Si Matet de Leon lang talaga ang ayaw tumigil sa pagpapatutsada na may kaugnayan sa isyu nilang magkakapatid, specifically ang sa kanila ni Ian de Leon.
Isyu pa rin ng mana kung saan wala nga raw sa kanilang mga ampon, kundi sa legal na anak lamang ng namayapang superstar Nora Aunor na si Ian de Leon.
Lalo kasing lumaki ang isyung ito nang magpa-interview si Ian kay Rico Hizon.
Nagbigay ng pahayag si Lotlot de Leon, pero si Matet ang tuluy-tuloy sa pag-post na ginagawa na lang niyang patawa. Pero nagre-react ang ibang Noranians.
Sa huling Facebook post ni Matet, sinabi niyang, “Post ko lang uli. Pag nakapagbigay ng impormasyon kung sino ang nagsabing naghahabol kami may prize. Comment down below!!!”
Obvious na ang mana itong tinutukoy niya, at ang isa sa unang nag-react mismo ay si Lotlot. Comment ni Lotlot, “Hahahahahahaha dami ko tawa hahahahaha” Sinagot ito ni Matet ng “O di ba te? Tawa tayo nang tawa.”
Marami ang nag-react sa comment na ‘yun ni Lotlot na mukhang kilala niya ang iba roon. Sinabi niyang itatawa na lang daw nila ang mga haka-haka.
Pero may ibang komentong hindi nagustuhan ni Matet, talagang sinasagot niya ito.
Hayaan na lang daw sa biological child ang mana. Magpasalamat na lang daw na nabigyan sila ng magandang buhay.
Sagot ni Matet na napamura pa, “Mukha ba kaming may pake jan sa picture na nakikita mo? Di mo ba gets?”
Nag-react pa siya sa isang nag-comment na nakakasira pa raw tuloy sa magkakapatid ang mana na ‘yan.
Sabi ni Matet, “Walang mana. Bastusan meron.”
Meron pang ibang ikinokonek sa karakter na ginagampanan ni Matet sa Apoy sa Dugo. Nakikita naman kung gaano kasipag ang magkakapatid na ito. Wala man sa showbiz sina Kenneth at Kiko, pero nakikita sa social media kung gaano kasipag sina Lotlot at Matet.
Bukod sa pag-aartista, tuluy-tuloy si Matet sa pagla-live selling sa TikTok.
Vice, ayaw na ng babuyan!
Sa May 2 at 3 na pala magsisimula ang Everybody Sing ni Vice Ganda. Bukod pa riyan ay nakapag-tape na rin siya ng season 2 ng LOL: Last One Laughing Philippines, na mag-i-streaming ngayong 2026 sa Prime Video.
“Mabilis lang ‘yung na-shoot. Two months lang namin shinoot ‘yun,” pakli ni Meme Vice.
“I personally believe this season is a lot better and funnier than the first one. Kasi, ‘yung first one, ako mismo nung nandun ako, parang... Marami ang eksenang... lalo na ‘yung padulo, na-off na ako... Pero siyempre, I needed to respect their own brands, ‘di ba?
“Kung ganun ang brand nila... may kanya-kanya tayong taste, e. So, at saka first season ‘yon. So, marami pa kaming kailangang matutunan. So, natutunan naman namin. So, nung second season, marami na kaming na-adjust. Na-improve.
“Kaya noong natapos iyong shoot namin, mas maganda for me. Ako, personally, for me — mas maganda siya.”
Nagbigay na raw sila ng instructions sa participants na hindi kagaya nung una na marami ang na-off sa ginawa ng mga komedyante. “Yeah, this time, huwag nang baboy!” bulalas ni Vice.
“Kasi siyempre, nakuha rin namin ang reactions nung viewers, ‘di ba? ‘Yung first three episodes, tawang-tawa sila. Antagal na nag-number 1 sa Prime ‘yung LOL, e. Pero iyong towards the end, parang... parang may lumampas ng level of kababuyan,” dagdag niyang pahayag.
Maaaring naubusan na ng gagawin ang mga komedyante kaya gross na ‘yung mga ginagawa nila. “Oo, at saka pagod na sila. ‘Yung ganun, naubusan na rin siguro ng material. Umabot na sa palitan ng laway, ‘yung mga ganun. ‘Yung anuhan ng pagkain. Especially now, siyempre maraming... sensitive tayo sa paggamit ng pagkain, ‘di ba, sa Pilipinas. Kasi maraming gutom, mahirap ang buhay. So, ‘yung ganun. Walang nagganun this time. At saka parang mas prepared na sila. Kasi nga, napanood na nila kung paano siya ginagawa. So pagdating nila dun sa set, prepared na sila,” sabi pa ni Vice Ganda.
- Latest




















