Magic at Spark, dinala sa TV5!

Hmmm, totoo kayang may Kapamilya at Kapuso star na magiging Kapatid na sa paglulunsad ng talent arm ng TV5 na Star Worx sa May 5?
Ayaw pang sabihin ng source kung sino ‘yun pero kaabang-abang daw talaga.
At bongga raw ang line-up ng mga ilulunsad na artist ng Star Worx na pamumunuan ni Mr. Johnny Manahan.
Tulad ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies, maituturing na henyo si Mr. M na nagpasikat sa maraming artista sa kasalukuyan.
Nag-umpisa sa Star Magic, hanggang hinawakan ang GMA Artists Center na ginawang Sparkle ang talent arm ng GMA 7 at ngayon, ang Star Worx ng TV5 ang kanyang hahawakan.
Kaya siguradong star material lahat ang mga aalagaan ng TV5.
Imagine, pagsasamahin ang magic at spark?
- Latest

























