Jeric, may pa-ty kay Rabiya

Nagkahiwalay na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales. Hindi na nagbigay ng detalye ang aktor tungkol sa naging hiwalayan nila ng beauty queen.
“Alam mo, Tito Boy, si Rabiya kasi wala siyang binanggit about this topic, about sa breakup. So parang respeto sa kanya, Tito Boy, ayaw kong magsalita about it,” bungad sa amin ni Jeric sa Fast Talk with Boy Abunda.
Matatandaang taong 2022 nang makumpirma ang relasyon ng dalawa. Aminado si Jeric na ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan at umasang magkakabalikan pa sila ng beauty queen.
“Of course, Tito Boy. Hindi ko mapagkakaila ‘yon na ipinaglaban namin. But of course, there are things na mutually na napagkasunduan din namin na parang kung ipaglalaban natin ‘to, parang mas mahihirapan tayo pareho. We have to grow, mutual (decision), we’re friends,” giit ng binata.
Mayroong mga natutunan si Jeric mula sa naging relasyon nila ni Rabiya. May nais na iparating na mensahe ang aktor para sa dating kasintahan.
“Thank you kasi ang dami kong natutunan sa relationship namin and of course, she loved me for who I am, lahat. I mean, sa showbiz, it’s very difficult na magkaroon ng relasyon, but lahat inintindi niya ‘yon. Malawak siyang tao, si Rabiya. I thank her kasi inalagaan niya ako for those years. Sorry kasi sana masamahan ko pa siya ngayon sa lahat ng journey niya, but I’m proud of her. I wish her all the best pa rin sa lahat ng ginagawa niya. And we’re friends, nandito pa rin ako for her,” makahulugang pahayag ng aktor.
Herlene, pinaarte ang ina!
Noong Sabado ay nagbida si Herlene Budol sa espesyal na episode ng Magpakailanman. Ginampanan ng beauty queen-actress ang karakter ni Lhen Timbol na kanyang ina sa tunay na buhay. Dahil dito ay mas nakilala umano ni Herlene ang ina at mas naintindihan ang mga pinagdaanan nila sa buhay.
“Hindi pala talaga naging madali ang buhay ni mama. Longing siya sa love. Longing siya sa makakasama niya habambuhay. Parang ayaw ko siyang i-judge katulad ng pangdya-judge ng ibang tao sa kanya,” nakangiting pahayag ni Herlene sa 24 Oras.
Sumabak din sa pag-arte si Mommy Lhen na gumanap naman bilang lola ni Herlene. Masaya ang aktres para sa karanasan ng ina.
“First acting niya na may lines. Kasi lagi ko siyang pinapasingit, ‘Oh, ma, tumayo ka lang diyan.’ Saka may TF siya dito ha,” kwento ng dalaga.
Suportado raw ng ina ang buhay pag-ibig ni Herlene. Pinapayuhan ni Mommy Lhen ang aktres tungkol sa relasyon nila ni Kevin Dasom.
“Sabi naman ni mama sa akin, matured naman. Si mama hinahayaan naman kaming magdesisyon din. Kumbaga ‘yung mga binibigay niyang payo sa amin, nakadepende pa rin sa amin, ‘yung final answer,” pagtatapos ng Kapuso actress. (Reports from JCC)
- Latest





















