Hanumankind, iikot sa Asya!

Kasunod ng kanyang pasabog na global breakout sa pamamagitan ng Billboard Hot 100-charting single na Big Dawgs, ang Indian hip-hop force na si Hanumankind ay lumevel-up pa sa kanyang debut headlining tour bitbit ang kanyang blockbuster live show sa China, Australia, at iba’t ibang bahagi ng Asia ngayong summer, kabilang ang four-city run sa Singapore, Kuala Lumpur, Bangkok at Hong Kong.
Inihahandog ng Collective Minds katuwang ang Clockenflap, ilulunsad ng rapper, na ipinanganak sa Kerala at lumaki sa Houston, ang susunod na yugto ng kanyang OTW Tour.
Naimpluwensyahan ng legends tulad ng Three 6 Mafia at DJ Screw, ang kanyang istilo ay may awtoridad ng Southern rap, habang ang kanyang mga paksa ay madalas tumatalakay sa tensyon at realidad ng buhay sa kalsada ng southern Indian.
Taong 2024, ang Big Dawgs ay nagdala kay Hanumankind sa international stage, nag-debut sa #57 sa Billboard Hot 100, umabot sa mahigit 37 million streams sa Spotify, at nakalikha ng higit sa 111 million views sa TikTok.
Nagdulot naman ng pandaigdigang ingay ang action-movie-style na music video nito na kinunan sa loob ng maut ka kuan (Wall of Death) na umabot na sa 285 million views sa YouTube.
Lalong lumakas ang momentum nang ang rap heavyweight na si A$AP Rocky ay naglabas ng opisyal na remix ng Big Dawgs, na nagsilbing malaking pagkilala mula sa isa sa mga pinaka-maimpluwensyang personalidad sa hip-hop. Pinagtibay ng kolaborasyong ito ang matatag na presensya ni Hanumankind sa pandaigdigang talakayan sa rap.
Ang mga bagong inanunsyong petsa ng tour ay kasunod ng debut North American headlining run ni Hanumankind—kung saan napuno niya ang mga venue sa malalaking lungsod tulad ng New York, Los Angeles, Toronto, at Chicago.
Sinundan ito ng kanyang unang tour sa UK at Europe, kahit pa napilitan siyang i-reschedule ang ilang North American shows dahil sa injury na naranasan niya sa dulo ng tour. At ganap na siyang nakabalik sa porma at mas lalo pang bumibilis ang kanyang galaw sa kasalukuyan.
Samantala, gagantimpalaan ang fans na matagal nang naghihintay sa pagdating ng rapper sa kanilang lungsod ng mas malaki at mas pinahusay na pagbabalik—na binuo mula pa noong kanyang blockbuster debut sa Coachella noong nakaraang taon.
Nakatakdang ganapin ang Hanumankind OTW Tour sa May 9, 2026, 8.pm., sa TIDES (Site 6, Whampoa Garden, 1 Tak On Street, Hung Hom).
- Latest























