Ian, priority ang mga tamang tao

Si Ian Veneracion ay mahigit pang 40 years sa showbiz.
Pero nanatili siyang in demand at paborito ng mga tita na todo ang kilig sa actor.
Huling napanood si Ian sa matagumpay na seryeng Incognito.
Nabanggit naman niya sa isang interview na dahil sa tagal niya sa industriya, mas nakatutok na raw siya sa happiness ng pakikipagtulungan sa mga tamang tao.
Aniya, lahat tayo ay naghahangad na mag-level up ang kalidad ng ginagawa. At mas mas importante raw iyon sa kanya sa kasalukuyan kaysa sa pagiging magaling ngunit may bad vibes.
- Latest























