^

PSN Showbiz

Kim, inagahan ang summer!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, inagahan ang summer!
Kim Chiu.
STAR/ File

Ang aga ng summer ni Kim Chiu.

May pa-havey nga ang actress sa kanyang followers na naka-two piece bikini. Sabi naman ni Kim, always bikini-ready siya.

Anyway, pangungunahan nina Kim at Paulo Avelino ang Primetime Bida ng ABS-CBN simula ngayong Lunes, Marso 16, ng 8 p.m., para sa The Alibi: Ang Buong Katotohanan, hatid ang mas mahabang bersyon at bagong mga eksenang hindi pa nakikita.

Itotodo na ng KimPau ang kaba, drama, at kilig sa bago at mas mahabang bersyon na ipapalabas kung saan ibibida ang tumataas na tensyon sa pag-iibigan nina Stella (Kim) at Vincent (Paulo), at sa paglutas ng umiigting na misteryo kaugnay sa pagpatay kay Walter (Sam Milby).

Nabanggit na ni Kim sa ginanap na media conference nito kamakailan na dapat ding tutukan ang mas madaming makapigil-hiningang eskandalo at komprontasyon ng mga bida at ang kaabang-abang na ibang bersyon ng finale na siguradong gugulat sa lahat.

Nakasentro ang kwento ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan sa escort na si Stella (Kim) at ang tagapagmana ng makapangyarihang news agency na si Vincent (Paulo). Unti-unting mai-in love sa isa’t isa ang dalawa habang nagpapatung-patong ang kanilang mga problema sa paglutas kung sino ang totoong pumatay sa kasosyo nilang si Walter.

Sila ang papalit sa binakanteng slot ng FPJ’s Ang Batang Quiapo ni Coco Martin na nagtapos na noong Biyernes pagkatapos ng tatlong taon.

At sa pagtatapos ng Batang Quiapo, nagdiwang bilang isang pamilya sina Coco Martin at ang buong team nito nang sama-sama nilang panoorin ang finale episode ng Kapamilya teleserye matapos ang tatlong makabuluhang taon ng pag-ere nito.

“Sobra akong proud sa Batang Quiapo. Thank you sa lahat ng mga Pilipino. Binuhos namin lahat ng lakas at pagmamahal at binigay namin ‘yung best namin para sa show na ito kasi ‘yun ang deserved ng lahat ng mga manonood,” saad ng Primetime King sa panayam ng TV Patrol noong Biyernes (Marso 13).

Sa pagtatapos ng serye, tinupad ni Coco ang pangako niya na bigyan ito ng pasabog na finale na sabay-sabay tinutukan ng 748,001 concurrent online viewers sa YouTube.

Hitik sa aksyon at emosyonal na komprontasyon ang episode tampok ang huling laban ni Tanggol (Coco) sa mortal niyang kaaway na si Rigor (John Estrada). Sa huli, si Tanggol ang nagwagi at tuluyan na niyang winakasan ang kasamaan ni Rigor.

Bilang pinakapinanonood na primetime series mula 2023, naging bahagi na ito ng milyun-milyong buhay ng mga Pilipino na gabi-gabing tumutok sa serye saan mang plataporma ito umere sa TV at online.

Lagi ring pinag-uusapan sa social media ang mga trending na eksena at paulit-ulit din nitong sinira ang sariling online viewership record na umabot sa all-time high na mahigit isang milyong concurrent viewers o sabay-sabay nanonood sa YouTube.

KIM CHUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with