^

PSN Showbiz

Bea, protektado si Vincent Co

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea, protektado si Vincent Co
Vincent Co at Bea Alonzo
STAR/File

Muling magbibida si Bea Alonzo sa isang te­leserye. Makakasama ng aktres sa Whispers From Heaven sina Tom Rodriguez, Cassy Legaspi, Maricar Reyes at marami pang iba. Espesyal para kay Bea ang bagong Kapuso series lalo pa’t ipinagdiriwang ang kanyang ika-25 taon sa show business.

“Na-realize ko 25th year ko na in the industry. It has to mean something to me. It has to mean something to my au­dience. Parang na-realize ko na this should be bigger than me as Bea, as an actress. Kailangan of service na do’n sa mga taong sumuporta sa ‘kin. And I feel like this project is very timely at masaya ako na GMA is producing something like this,” naka­ngiting pahayag ni Bea sa 24 Oras.

Matatandaang huling napanood ang Kapuso actress sa Widows’ War kung saan nakatrabaho niya si Carla Abellana. Enero nagtapos ang naturang serye noong isang taon. Napagtuunan umano ng panahon ni Bea ang kanyang personal na buhay at mga negosyo habang hindi nagtatrabaho sa harap ng kamera.

“Things are great, it’s something that I’ve always wanted to do also but never really found the time to do it na ‘yun talagang not wearing any other hat but that. So far feeling ko nakapag-create na tayo ng foundation. So I’m very happy about that and I disco­vered a lot of things about myself that way. There are many things na may mga simple joys na na-miss ko. Kasi when you’re in the public eye, parang you tend to see like ‘yung mga big things lang, big gestures. Nakalimutan ko i-enjoy ‘yung simple joys,” paliwanag ng aktres.

Samantala, masaya si Bea sa estado ng kanyang buhay pag-ibig. Hindi masyadong napag-uusapan sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon ng kasintahang si Vincent Co. “As much as I would like to share with you pero siyempre kasi I’m also protecting someone who’s not from showbiz. He has a private life. He’s a private individual,” giit ng dalaga.

Gabbi, nanawagang maging maingat

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Gabbi Garcia sa pagtatapos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0 kamakailan. Isa ang dalaga sa mga host ng nagtapos na edisyon ng PBB.

“Naging close talaga kami ng mga host. ‘Yon ‘yung pinaka-mami-miss ko. ‘Yung marinig ‘yung boses ni Kuya,” bungad ni Gabbi.

Mahalaga para sa aktres ang pagkakaroon ng iba’t ibang online platform. Ayon kay Gabbi ay kinakailangang maging magandang ehemplo para sa mga kabataan at mga kababaihan.

“Importante ‘yon nowadays for young girls to see also women speaking up for them. Ako kasi I’m blessed with this huge platform and I always say na for me, every post is important,” paglalahad ng dalaga.

Hinihikayat ni Gabbi ang lahat na maging maingat sa paggamit ng social media.

“It’s a choice kasi eh. It’s either you contribute to the noise or you contribute to changing lives of other people. Siyempre do’n tayo sa giving impact to young girls. So that’s how I empower women also through social media,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with