Derrick, sigurado na kay Elle

Apat na taon nang magkasintahan sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Noong umpisa ay hindi raw napag-usapan ng dalawa kung kailan sila naging opisyal na magkarelasyon.
“Alam mo, Tito Boy, what’s interesting about us is wala kaming monthsary, wala kaming anniversary. Hindi namin alam, basta nagka-develop-an kami. Minahal namin ‘yung isa’t isa. So, since hindi namin alam ang anniversary namin, ang ginawa na lang namin is pumili na lang kami ng date na ito na lang ‘yung anniversary namin. June 12, Independence Day, para walang work, pwede kaming mag-date,” natatawang bungad sa amin ni Derrick sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa mga nakalipas na taon ay mayroong mga nagbago sa samahan at pagmamahalan ng magkasintahan.
“I guess nadagdagan and nabawasan at the same time. Minsan love na love mo talaga itong taong ‘to. Minsan inis na inis ka sa kanya, mga gano’n. Hindi siya palaging mataas, give and take,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Ayon naman kay Elle ay mayroon siyang nasaksihang babae na umaaligid kay Derrick. Hangga’t maaari ay ang binata na lamang daw ang kinompronta ng aktres.
“May na-experience na ako niyan kay Derrick. Meron, Tito Boy, sa harap ko, although kasi hindi ko siya pwedeng… mahirap bilang artista siyempre. Madali kaming masabihan na, ‘Ay! Attitude siya, masungit siya.’ ‘Ay! maldita.’ So ang hirap din sa posisyon namin na magalit. Pero at the same time tina-try ko na lang intindihin. Siya na lang sinasabihan ko na, ‘Sobra na ‘yan. Really, in front of me?’” kwento ni Elle.
Mayroong sinumpaang pangako ang magkasintahan para sa isa’t isa.
“My promise to you love is I’m gonna be a good provider. I’m gonna treat you the way you are supposed to be treated. Hindi ko kakalimutan ‘yung value mo kung paano ka pinalaki,” pangako ni Derrick kay Elle.
“Wow! Ako naman promise ko sa iyo, forever kitang mamahalin. Forever kitang iintindihin at aalagaan. Hindi kita papabayaan,” tugon naman ni Elle kay Derrick.
Naging emosyonal ang binata nang marinig ang binitawang pangako ng dalaga.
“Kasi, Tito Boy, nakaka-touch lang kasi finally, sa tagal, sa dami ng dumaan sa akin parang at least nahanap ko na. And ang swerte ko talaga,” pagtatapat ng aktor.
Sa ngayon ay napag-uusapan na ng magkasintahan ang paglagay sa tahimik. Madalas nang nagpapahaging si Derrick kay Elle tungkol sa kasal.
“Gusto ko siya talaga mapangasawa. So minsan kapag tinatanong ko siya, ‘Parang ang ganda nitong singsing, ‘yung medyo bilog.’ Sasabihin niya, ‘Ah! Oo, gusto ko nga ‘yung ganito.’ So parang kapag sinabi niya, ‘Ah! Parang umo-oo ka na sa akin?’ Tina-try ko siyang hulihin lagi. ‘Okay ba akong mag-propose sa ganitong lugar?’ Tapos sasabihin niya, ‘Oo Maganda diyan.’ ‘So umo-oo ka na?’ Lagi ko siyang hinuhuli na gano’n,” nakangiting kwento ng binata.
“Actually, Tito Boy, dream ko sa Northern Lights, any places na may Northern lights. ‘yon ang dream ko na proposal. Kaso nga lang pumunta na kami. It’s too soon. Pero hindi ko naman sinasabi na magye-yes ako ha. Kasi feeling niya talaga magye-yes na ako kaagad. We were never pressured naman to get married,” natatawang sagot naman ni Elle.
Bilang paghahanda sa kanilang buhay-may-asawa ay mayroon nang nabiling lote si Derrick na malapit sa bahay ng pamilya ni Elle.
“Kinikilig na ako, Tito Boy, kasi bumili na siya ng lupa malapit sa bahay namin. Parang pinaplano na niya talaga,” pagtatapat ng dalaga.
“Feeling ko sa sarili ko, magiging ready lang ako kapag mapo-provide ko sa kanya ‘yung mga kailangan niya, kung kaya ko na siyang i-maintain. Kapag nagawa ko na ‘yon, ready na ako, saka kapag may sarili na akong house. Kasi ako sa sarili ko, deep inside alam kong handa na ako eh. Hindi na ako hahanap ng iba,” giit ni Derrick (Reports from JCC)
- Latest




















