^

PSN Showbiz

Sylvia, ayaw na sa pulitika

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, ayaw na sa pulitika
Slyia Sanchez at I'mperfect Stars
STAR/ File

Itinanggi ni Sylvia Sanchez na interesado siyang pasukin ang pulitika tulad ng anak niyang si Cong. Arjo Atayde.

Last election ay kumalat na ito bilang siya naman daw talaga ang visible sa mga lugar sa Quezon City.

Pero mabilis ang sagot ng actress/producer.

Lalo na aniya at bukod sa pagiging movie producer ay talent manager na rin siya.

“Hindi na! Actually akala nga ng lahat politics, ‘di ba? Akala ko ‘yun ang purpose ko sa buhay, politics. Hindi pala. Ito pala, ang mag-alaga.

“Kasi ang tagal na nito sa puso ko, na may nararamdaman ako na may grupo talaga na tutulungan ko, may ganung cal­ling. Kumbaga, may misyon ako,” na ang tinutukoy ay ang mga may Down syndrome (DS) na alaga niya na tinatawag niyang angel.

“Nagtataka kasi ako, na ang dami ko na ngang beses na nagkasakit, heto pa rin ako. So, parang may misyon talaga ako, at ito pala ‘yon.

“‘Yun nga, habang ginagawa ko ang movie na I’mPerfect, noong binigay sa akin ang script, sabi ko gusto kong gawin. Pero the whole year na ginagawa namin, pumasok na sa puso ko ‘yon na I think, ito na talaga ‘yung calling,” dagdag niyang paliwanag sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ng Nathan Studios na I’mPerfect na may DS sa totoong buhay ang mga bida.

“Then, nanalo nga sa Metro Manila Film Festival, tapos na ang trabaho, hindi pa rin mahiwalay sa akin ang mga bata. Tapos ang daming dumarating na bles­sing.

“Like recently, may block screening kami, na almost 400 na mga pari at madre ang nanood. Dalawang sinehan ang kinuha nila, nagpa-block screening sila.

“Tapos may mga nagtatanong pa rin kung puwedeng magpa-block screening. So, hindi talaga kami napaghihiwalay,” pagkukuwento niya pa sa ilang kaharap na writer.

Bukod pa sa mag-iikot sila sa mga international film festival.

Kaya naisip daw niya baka ito na ang calling niya.

Sa kasalukuyan ay nakapila na rin ang mga endorsement ng mga bago niyang alaga sa Nathan Studios Artist Management na kabilang sina MMFF Best Actress Krystel Go, Earl Amaba (leading man ni Krystel ), Royce Rivera, Richelle Uy, Gio Dicen, Bea Mendoza, Jonathan Tilos, Javi Sarmiento, Carl Garcia, Angela Batallones, kasama rin ang Time To Dance winner na si Ice Almeria na ipinakilala niya formally sa ginanap na contract singing nila. “Hindi lang ito contract signing — ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo. Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo.

“These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at ga­ling mismo sa puso.

“We believed in you even before the cameras rolled—before the lights, before the applause. And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival. Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo,” sabi pa niya.

Naniniwala raw siya sa potential ng mga special condition hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.

Pero ayaw daw niyang mangako ng langit at lupa, pero gagawin daw niya ang lahat para matupad ang mga pangarap nila.

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with