^

PSN Showbiz

Emilio Jacinto, may sariling pelikula na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Emilio Jacinto, may sariling pelikula na
Ang mga sumusuporta at huling kamag-anak ni Emilio Jacinto sa Kamuning Bakery forum kamakailan
STAR / File

Isa rin sa aabangan ngayong 2026 ang bagong version ng biopic ni Emilio Jacinto.

Bukod sa isa sa mga nangungunang poet, mahalaga ang papel nito sa bawat buhay ng maraming bayani kaya naman maraming beses nang napanood sa mga pelikula at serye ang character niya.

At kabilang sa mga gumanap na bilang Jacinto:

Films & Docudramas

Joem Bascon: Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014).

Alvin Aragon: GMA Lupang Hinirang Music Video (2010).

Gerald Santos (Theater Actor): “Noong 20 years old ka, Anong ginagawa mo?” (Docufilm, 2017).

Television Series/Episodes

Smokey Manaloto: Bayani (Episode Andres Bonifacio: KKK, 1995).

Cris Villanueva: Bayani (2 episodes, 1996).

RJ Agustin: Katipunan (2013 TV series).

Theater/Musicals

Ariel Rivera: 1896 (Original Filipino Musical, 1995).

Vic Robinson: Pingkian (Original Filipino Musical, 2024).

Actually, laging kasama sa pelikula ang character niya pero wala pa palang bioflick na nakatuon sa kanya ang kuwento.

Last Dec. 15 ay pinagdiwang ang kanyang ika-150 na kaarawan na inalala ng kanyang ilang kamag-anak sa historical Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Lee Flores.

Ito ay upang alalahanin ang naturang bayani na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa sa puso ng kanyang mga kaanak.

At sa nasabing celebration ay naibalita ng isa sa Jacinto descendants na si Atty. Dulce Blanca Tadle Punzalan na kasalukuyang binubuo na ang bioflick ng kanilang great grandfather.

Marami raw silang kino-consider na pwedeng gumanap na Heneral Emilio Jacinto.

Kaya abangan natin ngayong bagong taon kung sino ang gaganap.

Pinag-usapan ang pelikulang Quezon na buhay ni Manuel L. Quezon last year na ginampanan ni Jericho Rosales.

Nagreklamo ang ilang kamag-anak ni Quezon dahil hindi raw ganun ang naging buhay ng kanilang kadugong naging pangulo ng Pilipinas. Pero maraming natuwa sa nasabing pelikula na tiyak hahakot ng ma­raming award ngayon award season.

EMILIO JACINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with