Eman, nilalagare ang pag-aaral at boksing

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Eman Pacquiao para sa nalalapit niyang boxing match sa Pebrero. Para sa anak ni Manny Pacquiao ay kinakailangan talagang magkaroon ng tamang disiplina sa training kahit abala sa pag-aaral sa ALS o Alternative Learning System.
“Gigising po ako ng 4 o’clock or 3 o’clock in the morning. Tapos magja-jogging po ako 13 to 15 kilometers. Tapos magsha-shadow, sit-ups, push-ups. Sinasabihan naman po ako ng adviser ko kung mayroong important details sa school. So hindi naman masyadong complicated. Nagpe-pray lang ako palagi na how to handle everything,” pagbabahagi ni Eman sa 24 Oras Weekend.
Sa kanilang tahanan sa Davao nakatakdang ipagdiwang ng binata ang Kapaskuhan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
“Naghahanda lamang po kami ng pagkain. Tapos watch movies. Gusto ko ibuhos lahat ng oras ko sa pamilya ko hanggang hindi pa ako gano’n talaga ka-busy,” giit niya.
Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Eman bilang pinakabagong talent ng Sparkle GMA Artist Center. Mayroon nang ilang proyektong nakatakdang gawin ang binata sa bakuran ng Kapuso network. Umaasa si Eman na makatutulong sa kanyang pamilya dahil na rin sa mga ginagawa ngayon.
“Para hindi rin po mabigatan masyado ‘yung pamilya ko sa finance po, sa boxing, sa training. Gusto ko lang magpasalamat dahil naniniwala sila sa kakayahan ko,” pagtatapos ng binata.
Drew, kontrolado ang gadgets ng mga anak
Lima ang naging anak nina Iya Villania at Drew Arellano. Ayon kay Drew ay talagang tatlong supling lamang ang kanilang plano noon ni Iya.
“It’s funny that we never really expected that we would have five kids. We love kids, don’t get me wrong. But the last two, hindi planado ‘yan. Kaya nagpa-snip-snip (vasectomy) na tayo. Pero what a blessing, super. Lalo na nakikita namin growing up, and how when they wake up meron silang kalaro,” nakangiting pahayag ni Drew sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.
Bilang isang ama ay talagang sinisiguro ng TV host na naaalagaan at nababantayang mabuti ang limang anak. Para kay Drew ay may kanya-kanyang katangian ang bawat supling nila ni Iya.
“Each kid will have a different personality. Primo the eldest, nine years old. He is so into dancing now, G-Force. He is the overthinker but he is such a follower. Pangalawa ko naman (si Leon), it’s always the number 2, right? He is super lively, everyone is. Of course, Duday is our five-year old daughter, very malambing, very, ‘What can I do for you kuya?’ ‘I made something for you, Papa.’ Super lovable. And of course, our three-year old son, Astro, si Duduy, he is now whatever he watches he needs to replicate. Kung anong lalabas, magco-costume siya. Of course, our nine-month-old baby (Anya) is still a baby but loved by everybody,” pagdedetalye niya.
Kontrolado nina Drew at Iya ang paggamit ng gadgets ng limang anak. Hangga’t maaari ay sa iba’t ibang sports sinasanay ng mag-asawa ang mga supling.
“They have their game time. Friday, Saturday one hour but yeah that’s pretty much it. If we have the chance to go outdoor definitely. They enjoy building. We expose them to sports, of course. Kami ni misis talagang mahilig sa sports. So maganda ‘yung foundation ng gymnastics, nag-karate, nag-taekwondo, obstacle course racing. They learn so many things. They meet new friends,” kwento ng TV host. (Reports from JCC)
- Latest




















