^

PSN Showbiz

Direk Paolo at Rico, may ‘problema?!’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Paolo at Rico, may ‘problema?!’
Rico Blanco
STAR/ File

Maganda talaga ngayon ang mga live performance, lalo na ang mga concert na madalas ay naso-sold-out.

Pero may mga pangyayaring hindi kayang kontrolin, na minsan ay naaapektuhan na ang pagkakaibigan.

Kagaya nitong nangyari sa JBL Soundfest concert na ginanap sa New Frontier noong Sabado, tila nagkaroon na ng sigalot kina Paolo Valenciano at Rico Blanco. Base ito sa ipinost ni Paolo na siyang director ng naturang show.

Kulang pa kami sa impormasyon kung ano ang pinanggalingan ng gulo, pero sabi ni direk Paolo sa kanyang Facebook post, nagkaroon ng problema na naging sanhi ng pagka-delay ng naturang concert.

Ang haba raw ng delay sabi ng ilang pinagtanungan namin, pero hindi raw nila alam kung ano ang dahilan.

Pero sabi ni direk Paolo Valenciano sa kanyang FB account, “Tonight, I lost complete control of our event, which caused a major delay and added two extra hours of work to an already exhausted team. I sincerely apologize to our client JBL and to my brothers from Cup of Joe (who had to be picked up by motorcycles in traffic jams just to make their new call time).

“This was my first year with JBL Sound Fest so I found this incredibly frustrating. We learn new things every day and I know I still have a lot to improve!!

“To everyone who was there, super sorry (cry emoji) And to Rico, my hero. While I sincerely wish you the best, I’ve learned that we’re simply not meant to work together again. (praying emoji)”

Si Rico Blanco ang mentor ng bandang IV of Spades na nakatakdang mag-concert sa SM MOA Arena sa Dec. 12 at 13.

Si Paolo Valenciano ang naka-announce na director nito.

Matutuloy pa kaya si Direk Paolo sa pagdirek nitong nalalapit na concert ng naturang banda?

Maaga pa lang ay sold-out na ang concert nito. Kaya tingnan natin kung sino na ang ia-announce nilang director, o kung maaayos nina direk Paolo at Rico ang kanilang hidwaan.

Gladys, tinanggihan ni juday na mag-concert!

Napag-usapan na rin lang ang concert, matagal na palang dream ni Gladys Reyes na magka-concert.

Kaya nung nag-celebrate siya ng 45th birthday, nagpa-mini concert ito.

Sabi pa niya, wala raw kaming magagawa basta kailangan niyang magpa-concert.

Nung kainitan ng Mara Clara ay niyaya pala ni Gladys si Judy Ann Santos na magpa-concert sila.

Kinuwento ito ng aktres sa nakaraang advance screening ng pelikulang niyang The Heart of Music na magso-showing na sa mga sinehan sa Dec. 10. “Sabi ko Jud, ‘mag-concert kaya tayo.’ Totoo!” bulalas ni Gladys.

Sabi pa niya, “‘Di ba gusto kong kumakanta sa band ganyan, tapos ini-imagine ko na ‘yung ope­ning song, ‘yung background na Mara Clara dati, ganyan and all.

“Tapos may big screen na ganyan, nagsasampalan kami ‘di ba? Parang halo-halo... stage, musical, at the same time concert, sabi kong ganun.”

Natawa ang lahat sa sagot daw ni Judy Ann.

“Siyempre sabi niya, ‘no!’”

“Siyempre ako lang ‘yung gustung-gusto.

“Knowing Juday ‘di ba? Ayaw niya ng ganun. Siyempre ako lang ‘yung game ‘di ba? ‘No!’” sabi niyang ganun.

“Si direk Louie Ignacio, meron na siyang mga balak ha? May gagawin siya sa opening.

“Ang ganda nung ganun ‘di ba? Pero sabi ni Juday, ‘No!’

“Feeling ko ‘pag tuluy-tuloy na ‘tong Heart of Music, baka i-solo concert ko na lang!

“Unahin ko na muna sa ano sa Music Museum,” natatawa niyang kuwento sa amin.

Hindi nga raw niya akalaing magkaroon pa siya ng isang musical film na sa kanya ipinagkatiwala ang lead role kasama ang mga magagaling na singers na sina Robert Seña at Isay Alvarez.

“Itong pagkahilig ko na umawit ‘di ba? Tho, hindi naman ako professional singer, dito nabigyan ng katuparan ‘di ba?

“Kaya nga ang sabi ko, ang laki nang pasasalamat ko sa Utmost Creatives kay Sir Mario and direk Paolo, na ako ‘yung naisip nila para sa role na ‘to. And habambuhay na hindi ko makakalimutan ‘tong pelikulang ‘to,” sabi pa ni Gladys Reyes.

Kaya nga mismong si Gladys na ang promo coordinator ng pelikula niya.

Kinarir niya ang pagpo-promote, na siya mismo ang nagtatawag sa mga TV network para makapag-promote.

Nagpasalamat siya sa GMA 7 dahil pinagbigyan daw siyang makapag-promote sa Family Feud, Fast Talk with Boy Abunda at sa TiktoClock.

Pati sa Eat Bulaga ay siya mismo nagtawag para makapag-promote siya roon.

Tinodo na raw niya dahil minsan lang daw siyang nabigyan ng chance na magkakanta sa isang pelikula na ipinagkatiwala sa kanya ng Utmost Creatives.

JBL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with