^

PSN Showbiz

Jillian, nag-follow back kay Eman

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay inamin ni Eman Pacquiao sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda na si Jillian Ward ang kanyang crush na artista. Nagbigay naman ng reaksyon ang aktres tungkol sa sinabi ng anak ni Manny Pacquiao.

“Nakita ko po siya sa Instagram ko na nagla-like siya. So, na-appreciate ko naman. Finollow niya po ako, finollow back ko. Napapanood ko din po ‘yung mga TikToks tungkol sa kanya, na he’s very Godly. He’s very nice,” nakangiting pahayag ni Jillian sa 24 Oras.

Noong Miyerkules ay pumirma ng kontrata si Eman sa Sparkle GMA Artist Center. Umaasa si Jillian na magkukrus din ang kanilang landas ni Eman balang araw sa bakuran ng Kapuso network.

“Welcome to Sparkle, welcome to GMA, and I pray na hindi ka magbago. I pray po na he stays true to himself and very Godly and may God bless him always and sabi niya sana magkita kami soon. So, I hope to see you soon din,” paglalahad ng Kapuso actress.

Samantala, isa si Jillian sa mga magbibida sa pelikulang KMJS: Gabi Ng Lagim the Movie na mapapanood na sa mga sinehan simula Nov. 26. Ayon sa aktres ay talagang nakaramdam siya ng takot habang ginagawa pa lamang ang mga eksena sa Sanib episode ng naturang horror film.

“Anxious lang ako, basta naramdaman ko po siya. Kumain na lang po ako, music. Gano’n po kasi ako kunyari may problem or kapag may pinagdadaanan ako whatever. Or natakot ako, gano’n, kakain na lang po ako. So gumising ako, medyo okay na ako,” pagtatapos ng dalaga.

Herlene: ‘mas masarap kausapin ‘yung mga ibang lahi’

Aminado si Herlene Budol na talagang nahihirapan siyang magsalita ng Ingles. Kahit nakatapos ng kolehiyo ay hindi raw nakasanayan ng dalaga ang pagsasalita ng Ingles.

“Ayun nga ‘yung problema ko. Tapos naman ako ng pag-aaral pero ‘di ko talaga makuha-kuha ‘yung pag-i-English na ‘yun. Sa mga kabataan ngayon, kahit wala sa hitsura ‘yung mga bagets, talagang may English. Kita mo talagang uhugin pero ‘Mommy, why is…’ ganyan-ganyan. May English,” masayang pahayag ni Herlene sa i-Listen with Kara David.

Para sa beauty queen-actress ay mas mabuti pang makipag-usap sa banyaga kaysa kapwa-Pinoy kapag Ingles ang salitang gamit sa komunikasyon.

“Mas masarap kausapin ‘yung mga ibang lahi. Kasi mga kapwa kong Pilipino, sila pa ‘yung perfectionist. Pero kapag ibang lahi, hindi ka jina-judge,” giit niya.

Malaki umano ang naitutulong ngayon kay Herlene ng manliligaw na si Kevin Dasom. Ang Thai-Irish actor ang humihikayat at nagtuturo sa dalaga upang subukan ang pagsasalita ng Ingles. “Siya rin kasi ‘yung nagturo sa ‘kin. ‘Huwag kang mahiya. Kung gusto mo mag-English, mag-English ka lang.’ Pero nakatulong siya. Sabi ko nga kung ako magiging artista sa ibang bansa, gusto ko pipi (ang role). Para hindi ako mahirapan sa lines, mag-focus ako sa acting na lang, ‘di ba? Malay mo naman, kasi ‘pag English, hindi talaga makakabuo ng isang sentence na tama,” paglalahad ng Kapuso actress.

(Reports from JCC)

EMAN PACQUIAO

JILLIAN WARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with